Nangunot ang noo ko na pinagmasdan ito dahil naalala ko kung paano ako nalasing noong birthday ko kaya nauwi kami sa agarang kasal dahil akala ko talaga may nangyari sa amin ni Dexon at na takot akong mabuntis tapos walang ama. "Mababa lang ang alcohol content n'yan, sweetie, hindi ka malalasing, promise," nakangiting sabi ni Dexon na akala ko ay nababasa niya ang laman ng isip ko. "Mabuti na ang sigurado, baka malasing na naman ako," napa-iling na sagot ko na tinawanan ng katabi ko. Para tuloy kaming sweet couple na nag-celebrate ng honeymoon namin. Hindi ko alam kung hindi ba talaga marunong kumain ng ganito si Dexon ako ang nagbalat ng hipon tapos naghiwa ng pusit na sinubuan pa siya. Siguro hindi sanay magbalat si Dexon dahil nakita ko naman sa bahay niya na bawat kilos at galaw n

