Sa isang pribadong lugar ako dinala ni Dexon nang sumakay kami ng elevator papunta sa taas ng building. Sa rooftop kami humantong kung saan kitang-kita pala ang buong lungsod mula sa kinatatayuan namin. "Dito tayo kakain ng dinner, Dexon?" maang na tanong ko na iginala ang mga mata sa buong lugar. Parang panaginip sa akin ang makapunta sa ganito kataas na building tapos ang ganda pa nang setup ng mga ilaw sa paligid. Napaka-romantic ng ambience at masarap ang presko at malamig na hangin habang nakikita ko ang nalalakihan at matataas na kalapit na buildings. "Nagustuhan mo ba dito, sweetie?" tanong ng asawa ko habang nakatayo katabi ko at pinagmamasdan ko ang maliliit at maraming ilaw ibaba. "Oo naman, ang ganda dito," nakangiting at natutuwang sagot ko. Akala ko talaga sa restaurant

