"Mag-drive ka mamaya, Dexon. Huwag kang magpakalasing ha," paalala ko sa kanya dahil ramdam kong mataas ang alcohol content ng inuming nasa harap ko. "Nah, I'm fine, sweetie. Hindi naman nakakalasing 'yan," mayabang na sagot nito. Kung sabagay, mataas ang tolerance ni Dexon pagdating sa alak. Kahit ilang beses na akong na lasing, ay mukhang hindi man lang siya affected. Wine nga lang sa akin pero nahihilo na ako. May Minsan na inamoy ko ang whiskey na iniinom niya pero biglang sumakit ang ulo ko dahil ang tapang pala ng inuming iyon. Ilang oras din kaming nanatili sa rooftop bago ako inaya ni Dexon na umalis. Malamig na rin kasi at malakas na masyado ang simoy ng hangin na tila ba sandali na lang ay bubuhos ang malakas na ulan. Mabuti na rin na uuuwi na kami dahil kahit suot ko na n

