Kung hindi niya ako hinalikan, hindi ako magigising at hindi ko malalaman na aalis pala siya dahil maaga pa lang ay nakabihis na si Dexon at handa na para umalis. "Hindi ka ba mag-breakfast muna, Dexon?" tanong ko sa kanya pero sinagot nitong sa pupuntahan na lang umano siya kakain dahil maaga pa. Tiningnan ko ang orasan, lagpas alas singko pa lang pala ng umaga. I wonder kung saan siya pupunta dahil hindi naman ganito kaaga kung pumasok siya sa opisina kaya kahit inaantok, tumayo ako at hinatid siya sa pintuan. "Take care okay, kung lalabas kayo mamaya ni Rosemarie, isama mo si Addie. He's here now, kaya p'wede ka ng mamasyal kahit saan mo gustong pumunta. Trusted men ko siya, alam niya ang gagawin para protektahan kayo," mahabang sabi ni Dexon bago ako hinalikan sa labi at nag-paalam

