"I understand kung magagalit ka sa akin, but please, don't leave me, sweetie," garalgal na pakiusap ni Dexon na akala mo naman ay totoong mahal niya ako. "Hindi na kita kayang pagkatiwalaan ngayon, Dexon. Umabot na ako sa puntong natatakot na ako sa iyo," mahina at malungkot na sabi ko habang nakapikit at pilit na kumakawala sa mahigpit na pagkakayakap niya sa katawan ko. "Please don't, I won't do anything to harm you, sweetie. Please believe me, I swear, wala na akong ibang tinatago sa iyo." Hindi ko kayang paniwalaan ngayon si Dexon. Hindi ko rin gustong awayin siya dahil sa pangalawang pagkakataon, sunod-sunod na nasira ang magandang image niya sa paningin ko. Heto siya nangangako na walang ibang lihim sa akin pero paano naman ang tungkol sa mga babae niyang nakita ko sa larawang

