Kaya kong gawin iyon, pero paano ang tiwalang nawala na? Mapatawad ko man siya sa ginawa niyang kasinungalingan para magpakasal kami at maging ang paglagay niya ng cctv camera sa silid na tinutuluyan ko, maging pagpasok doon gabi-gabi pero hindi ko kayang kalimutan ang mga malalaswang larawang nakita ko, maging ang bakas ng lipstick sa damit na hinubad niya ng araw na nambabae siya. Para akong tuod at tulala lang na nakaupo habang ang mga mata ay hindi inaalis sa television kahit wala naman talaga akong naiintindihan. Isang malakas na singhap ang kumawala sa labi ko ng biglang pumulupot sa katawan ko ang mga braso ni Dexon at binuhat ako saka naglakad papunta sa kamang iniiwasan ko. "Sleep with me, sweetie. Sobrang namimiss na kita," malambing na sabi ni Dexon nang ilapag ako sa gitna n

