Umabot na ako sa sukdulan. Hindi ko na talaga kaya pero paano ba ako kakawala sa kanya kung nakakulong ako dito sa malaking bahay niya? Mugto ang mga mata at halos hindi maigalaw ang katawan ng magising ako kinaumagahan. Mahina pa kasi ang katawan ko dahil katatapos lang ng menstruation ko pero hindi na agad ako tinantanan ni Dexon kagabi na siniguro niyang ilang ulit na pinakawalan ang punla sa loob ko. Sa tingin ko ay hinintay lang niyang matapos ang monthly period ko. Mukhang nakabantay siya kahit wala dito sa bahay kaya alam ni Dexon na tapos na ang buwanang dalaw ko kaya nagsimula na siya dahil alam kong gusto niyang mabuntis na ako pero safe pa naman ito hanggang pitong araw kaya malakas ang loob ko na wala kaming nabuo. Kahit naman bobita ako ay may natutunan naman pala ako sa sc

