"Kanino galing ang mga 'yan, Dexon?" tanong ko sa katabi ko dahil wala naman akong kilalang kapamilya ko ang p'wedeng pumunta dito para dalawin si mama lalo na at kami lang din ang nakakaalam na dito siya nakalibing. "Sa Ninang Janina mo, nandito siya kanina," sagot ni Dexon. "Bakit hindi mo sinabi? Nasaan siya? Sana maaga tayong pumunta dito, para naabutan natin si Ninang Janina," magkasunod na tanong ko sa kanya. "I didn't know na pupunta siya dito ngayon araw. Sinabi lang nang tauhan ko na personal na nagbabantay dito, kaya malaman ko," sagot naman ni Dexon. "Lagi ba siyang pumunta dito?" nakayukong tanong ko. "Yes, every saturday morning," muling sagot ng kasama ko. Nakunsenya naman ako, mabuti pa si Ninang Janina laging dumadalaw dito tapos akong anak niya, heto at ngayon lang

