Basta na lang niya ako kinabig at walang paalam na tinalikuran namin ang kausap niya. "I don't like that old man near us, sweetie," sagot ni Dexon ng tanungin ko kung bakit basta na lang namin iniwan. Feeling ko kasi ang immature namin, dahil kabastusan naman talagang basta na lang naming iniwan ang lalaking sumalubong at bumati sa amin, pero mukhang okay naman siya dahil tila ba kilala na niya ang ugali ng asawa ko. Maraming bumati sa amin, mga businessman na kilala si Dexon at nagtangkang kausapin siya. Naisip ko, siguro sikat ang asawa ko dahil bawat lumapit sa amin ay gusto siyang imbetahan pero mabilis niyang tinatanggihan lalo na ang offer na business ventures ng ilan sa mga nakaharap namin. Grabe, ganito pala ang mga negosyante at mayayaman. Kahit nasa ganitong pagtitipon, negosy

