Chapter 72-3

992 Words

"Huwag ka nang magselos, Aubrey. Kapag nambabae si Dexon, andito naman ako," nakangiting sagot ni Kuya Alexander na ngumisi sa akin. "Mas babaero ka raw kesa sa asawa ko," napangiti rin na sagot ko dahil nakita kong palihim na kinutusan ito ng asawa ko. Kung dati maingay si Kuya Alexander ay natahimik ng dumating si Kuya Declan. Kasama nito ang ama na nakalimutan ko ang pangalan pero natatandaan ko ang mukha dahil dumalaw siya sa bahay ni Dexon kasama ang isa pang may edad at g'wapong lalaki na hindi ko rin maalala ang sinabing pangalan noon dahil balisa ako at nagluluksa sa pagkamatay ng mama ko. Kahit hindi sabihin na mag-ama sila ay alam ko na agad dahil magkamukha naman silang dalawa. Para ngang younger version lang si Kuya Declan ng daddy niya na kung siguro magkapareho ang edad ay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD