Tinitigan ko siya, pilit na hinahanap ko ang resemblance nilang dalawa ni Dexon pero malayo naman ang itsura ng mukha at maging ng kulay kaya hindi ko inakala na kapatid siya ni Dexon pero kahit may doubt ako, gusto kong marinig ang sasabihin niya. "Siguro naman ay alam mo ang tungkol sa mafia organization na pinamumunuan ng kapatid ko dahil nakakulong ka sa bahay niya ay ayaw palabasin sa takot na may matuklasan ka tungkol sa kanya," sabi nito na hindi ko man lang natanong muna kung ano ang pangalan. "Huwag ka nang magtaka kung bakit maraming babae ang nasa paligid at umaaligid sa asawa mo gaya babaeng kahalikan niya sa labas at ng mga nakita mo sa larawan dahil normal lamang ito sa buhay niya. Sa tingin mo ba dahil pinakasalan ka ng kapatid ko, ikaw lang ang babae sa buhay niya?" naka

