Chapter 11-2

705 Words

Matagal ko nang pinagtu-tulakan na mag-asawa si mama, pero iba pala ang pakiramdam kapag dumating na ang araw na masasaksikan ko na may iba ng magmamahal sa kanya maliban sa akin. Siguro kailangan ko na talagang tanggapin na may mahal na rin si mama kahit hindi pala madali para sa akin. Nagkunwari akong ayos lang kahit ang totoo ay naiiyak ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sa buong buhay ko kasi, tanging si mama lang ang kasama ko at kahit bungangera siya ay mahal na mahal ako at never pinabayaan. Alam kong malaki ang magbabago lalo na ngayong nakita mismo ng mga mata ko kung paano sila ang palitan ng 'I do's' katunayan na tanggap na nila ang isa't isa at mag-asawa na nga sila ni Mang Danish kaya wala na akong magagawa pa para paghiwalayin sila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD