Putok ang kilay niya, may pasa sa mukha at mukhang nasabak na naman sa away. "Nothing," tipid na sagot nito na halatang umiiwas pero pumasok sa elevator hanggang sa sumara ang pintuan at gumalaw paakyat. Hindi tuloy ako nakalabas hanggang sa tumigil ang elevator at bumakas ang pintuan at mabilis a lumabas si Dexon at naiwan akong nakatayo lamang. Hindi ko alam kung ano ang problema niya sa buhay. Kung ayaw niyang magsabi, bahala siya tutal malaki at matanda naman na siya. Napailing na lang ako nang bumaba ako dahil sobrang tahimik nang buong kabahayan. Kahit mga kasambahay dito ay limited lamang ang kilos maging kung paano ako kausapin kaya lalo lamang akong nakaramdam ng lungkot. Nadatnan ko sa sala ang isa sa mga tauhan ni Dexon na malimit niyang kasama. Yumuko ito ng makita ako

