Na miss ko kumain nito, alam ni Ninang Janina na paborito ko ito lalo na sa merienda kaya hindi na ako magtataka na ganito ang inihanda niya ngayong dumalaw ako. "Ang sarap," satisfied at natutuwang bulalas ko matapos tikman ang dinampot at tikman ang puto. "Ayaw mo talaga?" tanong ko sa katabi ko na tahimik lang habang hawak ko ang kalahating puto na natira sa kinagat ko. "Enjoy then," sagot lang ni Dexon na ngumiti lang sa akin. "Bahala ka, kayo kasing mayayaman, hindi sanay sa ganito kaya hindi mo na appreciate ang simpleng happiness kapag kumain ng puto," madaldal na sabi ko pa at uminom ng juice. "It's not like that, busog pa kasi ako," sagot ni Dexon sa akin na kinuha ang baso ng juice na inabot ko sa kanya. "Okay lang, uminom ka muna n'yan at mainit ang panahon dito," sabi ko

