"Yeah, but at least, give me some rewards para samahan ulit kita next time at maging personal driver at bodyguard mo while roaming the whole city," sagot ni Dexon kaya nag-isip ako. "Wala bang iba?" naka-ngiwi na tanong ko dahil hindi magandang ideya na hahalikan ko siya. Ang awkward kaya nang gusto niya. "Wala," pinal at walang ka-ngiti-ngiti na sagot ni Dexon. Ang cold talaga niya, kanina pa sweet siya tapos ngayon, para akong salarin na gusto niyang parusahan. "Ayaw ko, amoy bagoong ako. Kumain kaya ako ng Indian mango, saka mabaho ang hininga ko," naka-ngiwi na sagot ko para may dahilan ako. Nalukot ang mukha ni Dexon na mukhang hindi nagustuhan ang sagot ko. Kilala ko na ang galawan ng lalaking ito, kaya sigurado akong hindi na ako makalabas pa kapag nagbago na naman ang pasya

