Napasigaw ako ng naramdaman kong may matigas na brasong pumulupot at yumakap sa bewang ko mula sa likuran. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko pakiramdam ko, muntik pang sumabog ang ribcage ko dahil sa pagkagulat sa ginawa ni Dexon. "I miss you," bulong ni Dexon na bumaon sa leeg ko ang mukha nito gaya ng malimit nitong gawin tuwing niyayakap ako. "Bitawan mo ako, Dexon," mahinang utos ko dahil hindi na ako komportable sa ikinikilos niya. Malaki rin ang possibilities na may ibang makakita sa amin lalo na at nagkalat lagi ang mga tauhan niya. Ano na lang ang magiging tingin nila sa aming dalawa? "No," matigas na sagot nito kaya pumikit ako at humugot nang malalim na buntong-hininga para pigilan ang sarili ko. "Ayaw kong niyayakap mo ako, lalo na ang basta na lang hinahalikan mo. Wala ka

