Masyadong intimate ang posisyon namin habang nakahiga ngayon sa ibabaw ng kama ko. Kahit sinong pumasok dito sa silid ko at makakita sa amin ngayon ay hindi namin maitatago na may namamagitan sa aming dalawa. "I love you," mahinang sabi ni Dexon pero malinaw na narinig ko. Natigilan ako, impossible naman na para sa akin iyon dahil wala naman kaming relasyon. Hay, ang hirap talaga ng sitwasyon naming dalawa, lalo na at may nagustuhan siya pero bakit sinabi ni Dexon kanina na wala naman daw siyang girlfriend at ako lang, eh hindi naman kami magkarelasyon? Nakatulugan ko ang pag-iisip. Nagising na lang ako nang bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Dexon na may dalang tray ng pagkain na inilapag sa paanan ng kama saka lumapit sa akin. "How are you?" malambing na tanong nito na bi

