"Hindi pa ako pumapayag sa gusto mo, Dexon ha!" mataray na sagot ko. Ngumiti si Dexon sa akin na parang may kalokohan na naisip. "Alam ko kung paano kita mapapayag and you should understand by now that I won't accept no as for answer, Aubrey," sagot nito na biglang hinatak ang makapal na balot ng kumot at hinawakan ako sa binti at likod saka walang pakialam na binuhat. "Gusto mo bang paliguan kita?" pilyo na tanong nito matapos akong ibaba at isinandig ako sa malamig na glass wall nang bathroom na gamit ko. "A-ako na, marunong akong maligo ng mag-isa," napalunok ng sariling laway na na sagot ko. "Alright, I'll wait for you outside." Hindi ako nakasagot ng bigla niya akong sunggaban at halikan. Naiwan tuloy akong naghahabol ng hininga at tulala dahil sa ikinilos ni Dexon. Ang tigas na

