Samantha's POV Marahan kong itinulak si Seth dahil lumalalim na naman ang halikan naming dalawa. Ewan ko ba kung bakit sa tuwing hinahalikan ako nito ay hindi ako makatanggi. Mas lalo akong nadadala. "Ano nga ang ipapakita mo sa akin?" Tanong ko rito nang maitulak ko ito palayo sa akin, para na rin mabaling ang atensyon nito sa tanong ko. Bumalik kami sa loob ng silid, may binuksan siyang pinto at bumungad sa akin ang walk-in closet. Sa pinakagitna ay may counter top kung saan puwede mong doon ilatag ang mga damit kapag pumipili ka ng maisusuot. May mga drawers din ito sa gilid na ang mga laman ay jewelries. May malaking salamin sa dulo kung saan nakikita ang buong katawan mo. Sa kabilang side naman nito ay ang vanity mirror kung saan nandoon nakahilera ang mga make-up, pabango at kung

