bc

The only one

book_age18+
5.5K
FOLLOW
31.8K
READ
billionaire
possessive
age gap
second chance
submissive
CEO
drama
twisted
bxg
lonely
like
intro-logo
Blurb

Dalawang tao na nagmamahalan, katatagpuin ng mapaglarong kapalaran.

Pag-ibig na langit ang pinagmulan. Ngunit, hindi alam ang kahahantungan.

Tunghayan ang kwentong pag-ibig ni Aila Zotore at Calter Alonte.

DISCLAIMER:

No part of this book may be reproduced in any form or by any means without the author's consent. Please obtain permission. Names, Characters, Places and Incidents are products of the author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.

⚠️ WARNING ⚠️

It may contain mature scenes and words.

Read at your own risk.

chap-preview
Free preview
Book I: Prologue
Bata pa lamang ako, ay naririnig ko na ang mga salitang— malalaman lang na nagmamahal ang isang tao kapag nakaranas o naranasan na nitong masaktan sa isang relasyon. Wala akong pakialam noon sa maraming bagay. Siguro, ay dahil lumaki ako na mayroong maayos na pamilya, marangya ang buhay, at lahat nang naisin ay nakukuha. Halos perpekto. Hanggang isang araw, ay bigla na lamang nagbago ang aking pananaw sa salitang pag-ibig. Ang dating perpekto’y naging ugat ng kalungkutan. Dahil akala ko noon, basta’t marunong kang magmahal, awtomatikong may kalayaan. Kalayaan mula sa mga taong mapanghusga, kalayaan mula sa pasakit nang mundo, kalayaan mula sa realidad ng buhay, at kalayaan mula sa mga taong kapighatian ang dulot sa ‘ting buhay. Kabaligtaran pala ang lahat. Dahil ang tunay na pagmamahal ay mayroong kaakibat na pagsasakripisyo. Bakit nga ba hindi? Gano'ng ang tunay na pag-ibig ay hinggil sa pagbabalewala nang sarili para sa kapakanan ng marami, kahit masakit na. Kahit tayo'y nasasaktan na. Bayani. Oo, para sa aki’y isang bayani na matatawag ang sino man na nasa tamang landas o tamang proseso ng pag-iibigan. Pero, aanhin nga ba natin ang pagiging bayani? Kung alam natin na magiging talunan lang din tayo sa huli? Ang unfair lang. Hindi ko alam, kung bakit ngayon pa ito nangyari sa akin. Hindi ko maintindihan, na bakit kung kailan hindi na 'ko sanay nang hindi siya nakikita at nakakasama, ay saka pa nangyari ang lahat ng ito sa aming dalawa . . . Bakit ngayon pa? Bakit kung kailan hulog na hulog na 'ko sa kanya? Bakit kailangan pa itong mangyari lahat? Bakit kung kailan kailangan at mahal ko na siya? Ang sakit. Sobrang sakit nang ginawa niya sa 'kin. Pero wala nang mas sasakit pa sa pakiramdam, na hindi ko mailabas sa iba ang sama ng loob na aking nararamdaman— hindi ko maaring sabihin kahit sa pamilya ko ang tungkol dito. Hindi pwede, dahil wala silang alam sa mga pasyang ako lamang ang may gawa. Ito ang problema kapag nagmamahal ka nang palihim, mag-isa ka lang habang nasasaktan din nang palihim. Sige lang ang pagtulo ng aking mga luha habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Kung saan, tila napako ang aking mga mata sa huling larawan na kinuha niya noong magkasama kami sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Lahat nang masayang nangyari sa amin, bago nauwi sa ganitong klase nang kabiguan. Be strong, Aila. Be strong . . . Alam ko na walang ibang tutulong sa 'kin ngayon, kundi ang aking sarili. Oo, buo ang pamilya ko, pero ito, nasasaktan ako mag-isa, dahil takot ako. Takot ako na mahusgahan dahil perpektong Aila ang kanilang nakasanayan. At kung sino pa ‘yung taong nakakita nang kakulangan ko sa ‘king pagkatao, iyon pa ang naging dahilan ng kapighatian ko. Relax, Aila. Huwag mong panghinayangan ang lalaking 'yon. Kasalanan mo rin ‘to. Kasalanan mong magmahal ng lalaking alam mo, na hindi na pwedeng mapasayo simula't simula pa— kahit ipaglaban mo pa . . . Hindi ko na alam ang gagawin ko, pero isa lang ang gusto ko ngayon, iyon ay ang mabawasan ang bigat na nararamdaman ko. F*ck! It’s really hard to understand oneself. Pinunasan ko ang huling luhang pumatak mula sa 'king mga mata nang maramdaman kong ako’y nahihilo na. Yumuko ako, at inalala si Kristoff— ang boyfriend ko, na kapatid ng bestfriend kong si Zaina. Napahigpit ako nang hawak sa cellphone na nasa aking kamay, nang muli kong maramdaman na may tumulong luha mula sa ‘king mga mata. Hindi ko matanggap. Kahit na naiinis ako sa sarili ko dahil sa mga nangyayaring ito, ay hindi ko mapigilan ang magalit. Alam kong mali ito, pero wala akong magawa. Wala akong magawa sa nararamdaman ko, dahil hindi ko maturuan ang puso ko. Hindi ko madiktahan pati ang isip ko— upang pigilan ang aking sarili na alalahanin ang lalaking may dahilan kung bakit ako nahihirapan ngayon. I sighed. Makakaalis ka rin sa ganitong pakiramdam. Makakaalis ka rin— malilimutan mo rin siya, gaya nang ginawa niya sa ‘yo, Aila. Gaya nang ginawa niya. Kanina ko pa kinakausap ang aking sarili, mula sa ‘king isipan. I can’t help but overthink. Nasasaktan ako. Sobra. Dahil hindi ito madaling pagtagumpayan nang mag-isa. Pero wala akong ibang choice. Kailangan ko 'tong sarilinin, dahil alam ko na kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kasalanan ko 'to lahat, dahil pinili ko ang masaktan. Muli akong huminga nang malalim, nang maramdaman ang matinding bigat ng aking dibdib. Inilagok ko ang white wine na kanina pa nasa aking harapan. Sana’y mamanhid na ang aking puso, nang kahit papaano ay makapagpahinga ito mula sa sakit na dulot nang pagpasok ko sa maling pag-ibig. Tama lang na nakilala mo siya agad, Aila. Tama lang na nakita mo nang agaran ang totoo niyang kulay. Hindi siya ang lalaking nararapat para sa 'yo. Hindi. Lalagukin ko sana ulit ang alak na hawak-hawak ko, pero agad akong natigilan nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Dahan-dahan kong binaba ang kopita na nasa aking kamay, saka ko tiningnan kung sino ang tumatawag. Napalunok ako nang makita ang pangalan ni Zaina sa screen ng phone ko. I'm not in the mood. Pero wala akong choice, kahit na ayoko muna sana siyang makausap. "Hey," bungad niya nang sagutin ko ang tawag nito. "Kanina pa 'ko tawag nang tawag sa 'yo. Okay ka lang ba?" tanong niya. Sasagutin ko sana ito, pero hindi na iyon natuloy nang muli siyang magsalita. "Kumusta nga pala kayo ni Kuya?" Sandali akong napapikit. Not now, please . . . "I saw him kasi, eh! Sa isang sikat na bar malapit sa unit niya. Pero hindi ko na lang pinansin. ‘Di ko siya nilapitan. May kasama rin kasi ako." Sandali siyang huminto sa pagsasalita. "Don't worry, wala siyang ibang kasama. Hmm— wala naman kayong problemang dalawa, right?" dagdag pa niya. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Oo, wala. Wala akong pakialam kahit magkaroon man siya ng ibang kasama. Dahil wala na 'kong gusto sa kanya. Ikaw lang naman ang mapilit . . . "Ai?" Napatigil ako mula sa aking iniisip nang tagawin niya 'ko mula sa kabilang linya. Mahina akong tumikhim saka nagsalita. "Yes," halos pabulong kong sambit. "Uhm— I mean, wala. Hindi ko pa siya nakikita at nakakausap simula nang makita ko sila ni Zabel—" "What? Si Zabel?" putol niya sa 'king pagsasalita. "Bakit? May nangyari ba? I mean— 'wag mo na lang pansinin 'yung desperadang babae na 'yon, okay? Just ignore that worthless woman! Alam mo naman na walang pakialam si Kuya roon, eh!" pagpapatuloy niya. Muli akong napahinga nang malalim. Pagkatapos ay pinunasan ko ang mga luhang nagkalat sa aking pisngi, saka mabilis na inayos ang aking sarili. Walang sabi-sabi ay pinatay ko ang tawag. Tulala kong ibinaba ang phone mula sa 'king tainga. Hindi ko na iintindihin kung ano ang maari niyang sabihin laban sa 'kin, o kung makaramdam man siya nang inis dahil sa ginawa ko na pagputol sa sandaling pag-uusap namin. Ewan ko, pero nawiwirdohan na 'ko sa kanya. At para sa akin, ay hindi ito ang tamang panahon para i-open niya ang tungkol sa bagay na pinaglalaban niya. Paulit-ulit na lang kasi siya. To the point na hindi na siya nakakatulong sa mental health ko. Kahit ang kumustahin ako ay hindi na niya ginagawa sa akin, bagay na lagi kong inaasahan at hinihintay mula sa kanya, dahil lagi naman niya iyon ginagawa noon. Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa binabanggit niya, dahil pakiramdam ko ay lalo lang gumugulo ang isip ko sa sitwasyon na pinagdaraanan ko ngayon. Damn! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko, pati siya'y hindi ko na rin maintindihan. Naging saksi siya kung paano naging kami ni Kristoff. College pa lang kami nang aminin ko sa kanya, na crush ko ang Kuya niya. Hanggang sa magulat na lang ako na nililigawan na ‘ko nito. Inilihim ko iyon sa pamilya ko, kahit sa mga Ate ko. Kahit na hindi talaga ako sigurado sa nararamdaman ko para rito. Simula nang maging kami ni Kristoff, ay napansin ko na ang pagbabago sa kaibigan kong si Zaina. Tila naging insensitive na siya sa maraming bagay, lalo na sa mga nararamdaman ko. Malayong-malayo na sa kaibigan na minahal ko noon kaysa ngayon, dahilan, kaya nawawalan na ‘ko ng gana kausapin siya. Nararamdaman ko naman na nar'yan siya para sa akin, pero iyon, ay kapag meron lamang isyu sa pagitan namin ng Kuya niya— kapag meron lang kaming hindi pagkakaunawaan ni Kristoff. Nararamdaman ko siya, kapag nagkakaroon kami ng problema ng Kuya niya. Hanggang doon lang. Ewan ko, pero imbes matuwa ako ay nakararamdam ako nang inis. Lalo na, kapag pinipilit niya kaming pagbatiin kahit mainit pa ang dahilan ng pinag-aawayan namin ni Kristoff. Hindi ko siya maintindihan, pero sana ay talagang ginagawa niya iyon dahil tunay ang pagmamalasakit niya sa amin— sa akin. Bahagya kong ipinilig ang aking ulo upang mahinto sa iniisip ko. Huminga ako muli nang malalim, pagkatapos ay agad akong tumayo. Matamlay akong lumabas ng unit ko, saka diretsong naglakad hanggang sa makapasok sa 'king sasakyan. Mabilis kong inilapag ang cellphone na hawak ko sa passenger seat, saka ako yumuko sa manibela na nasa aking harapan. Hindi ko na alam ang gagawin ko, dahil sa gulo ng aking isipan. Nakapanglalambot. Nakapanghihina. Nakakawala nang gana. Pakiramdam ko ay wala na akong kwenta. Wala na ‘kong bilang sa mundo. Wala akong silbi, dahil ang dali-dali kong mapaniwala. Tanga ako at manloloko. Karma na sa 'kin ito . . . F*ck! Nagsisisi ako na minahal ko pa siya. Sising-sisi ako na nakilala ko pa siya . . . Napasinghot ako, at muling huminga nang malalim. Sa sama ng loob ay hindi ko namalayan na muli, ay tumutulo na pala ang aking mga luha mula sa mga mata ko. I hate him. I hate him for hurting me. I hate him for using me. I hate him . . . Mabilis akong napahawak sa aking dibdib, dahil sa kirot nito na aking nararamdaman. Pinasaya niya lang ako. Kinuha niya lang ang loob ko. Nagtiwala ako sa kanya, kahit mali. Pinili kong magkamali, dahil naniwala ako sa kanya, pero ginamit niya lang ako. Minahal ko siya. T*ng ina lang. Pumasok ako sa isang relasyon kahit nasa loob pa ‘ko nang isa pang obligasyon. Nanloko ako ng tao para sa kanya. Pero habang nagloloko ako ay niloloko niya rin pala ako. Ang hirap. Ang bigat-bigat sa dibdib. Ang bigat-bigat. F*ck! Bakit mo 'ko sinasaktan nang ganito . . . minahal kita— damn it! Napahinto ako nang marinig kong muli ang pagtunog ng phone ko mula sa kabilang upuan. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko sa manibela, nang makita ko sa screen ng cellphone ko kung sino ang tumatawag ay agad akong napalunok. Inalis ko ang mga mata ko mula roon, ibinaling ko ang aking tingin sa unahan, hindi ko inabala ang aking sarili na kunin ang phone ko para sagutin ang tawag nito. Hindi ko man alam kung bakit siya tumatawag, hindi iyon basehan para kausapin pa siya. Gusto ko munang mapag-isa, dahil pakiramdam ko ay hindi ko mahahanap ang sarili ko kung patuloy ko itong bibigyan nang dahilan para sirain ang buhay ko. Ayoko nito. Ayoko nang ganitong pakiramdam, pero hindi 'yon dahilan para ipaalam pa sa kanya ano man ang nararamdaman at pinagdaraanan ko ngayon. Tahimik kong binuhay ang makina ng sasakyan ko, saka ko ito pinaharurot. Nagpatugtog ako. Malakas. Upang hindi marinig ang phone ko, na kanina pa ring nang ring. Huminga ako nang malalim, nang muli akong makaramdam ng kirot mula sa ‘king dibdib nang madaanan ko ang lugar kung saan kami aksidenteng nagtagpo ng lalaking dahilan ng mga nararamdaman ko ngayon. Lumunok ako at kinagat ang aking ibabang labi. Pagod na ‘kong umiyak. Pumikit ako at pilit na nilakasan ang aking loob, pero hindi ko pa rin naiwasan na makaramdam nang inis, dahilan, kaya lalo kong binilisan ang pagmamaneho sa sasakyan na dala ko, mas mabilis kaysa kanina. Hindi ko na alam ang gagawin ko, kung saan-saan lumilipad ang aking isip. Sa segundong lumipas— sa lalim nang aking mga iniisip ay hindi ko namalayan na sobrang bilis na pala ng takbo nang sinasakyan ko. Sandali akong pumikit, hanggang sa makita ko mula sa 'king diwa ang isang bulto ng lalaki habang nakangiti sa akin. Muli, ay huminga ako nang malalim. Pagkaraa'y dahan-dahang namilog ang aking mga mata, nang muli akong dumilat. Hindi nakatakas sa 'king diwa ang pagdagundong ng aking dibdib, nang tapakan ko ang preno ng sasakyan na minamaneho ko at hindi ito huminto. Gustuhin ko man na bumaba mula rito, ay hindi ko na nagawa dahil sa pagkataranta. Napakaraming nangyari simula no’ng dumating si Calter sa buhay ko. Ang daming nagbago— na hindi ko ginusto. Ngayon ay biglang nag-iba ang nais ko, iyon ay mabuhay. Mabuhay pa. Kaya kahit imposible, ay muli kong sinubukan ang pagtapak sa preno ng sasakyan ko, pero hindi iyon naging sapat, hindi ko alam kung paano, pero wala na 'kong nagawa upang maligtas pa ang aking sarili. Nagmahal lang naman ako, pero bakit ganito ang sinapit ko— bakit ganito, Calter . . .

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
39.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.7K
bc

The Sex Web

read
134.7K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
91.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.9K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
35.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook