3rd person's POV MAAYOS na naidaos ang formal event na dinaluhan nila Irieth, Aila, at Keen Devara sa Banilad Ample Village, Cebu City. Kung saan, matatagpuan ang mansyon ng mga Montivar. Kaugnay ng pakay nila tungkol sa kanilang mga kasosyo sa negosyo ay hindi nagkaroon ng pagkakataon ang mga 'to na maisagawa ang kanilang planong ipaalam sa lahat ng nasa mansyon, na si Keyla Rufino at Aila Zotore ay iisa lamang. Naging abala ang lahat, sapagkat mayroong isinasagawang bagong proyekto ang mga Montivar, Devara, Alonte, at iba pang mga kasosyo nito sa negosyo. Gayunpaman, labis na pinag-alala ni Irieth nang hindi natuloy ang pinag-usapan nila Aila. Dahil isa rin ito na naging abala sa hindi nito malaman na dahilan. Walang ibang naisin si Irieth para sa kanyang nakababatang kapatid, kund

