Normal lang ang buhay ko. As in normal lang talaga. Normal na papasok, normal na mag-aaral, normal na maglulunch, normal na uuwi. At higit sa lahat ay normal lang na estudyante. Hindi kilala, hindi famous.
Pero nagbago lahat ng iyon nang nakilala ko siya— ay mali pala.
Ulit, ulit.
Pero nagbago lahat ng iyon nang nahalikan ko siya.
You read it right!
Nahalikan ko si Mr. President.
Si Mr. President na napakasungit, napakastrikto, napakahangin, napakagwapo— erase, erase. At napakacold na walang pakialam sa mundo.
Akala ko ay okay na. Pero tumingin ulit siya sa akin at lumapit na sobrang nagpakaba sa akin. Malapit na yata akong mamatay. Kapag ako nabuhay pa, ipapakulam ko 'yung mga kaibigan ko. I swear.
"After class, go to my office, for you to know what your punishment is."