Chapter 1

908 Words
"Sino ang sumulat ng History of the Peloponnesian War?" Tanong ni Prof sa unahan na ikinahikab ko. Matagal ko ng tanong 'to sa sarili ko pero itatanong ko pa rin ngayon, ba't kaya ang boring ng history? O hindi lang talaga ako lover ng history? Sabagay, recess at uwian lang naman ang lab na lab ko. "Who knows the answer?" Walang nangahas na magtaas ng kamay. Araling Panlipunan 'yung subject namin pero nag-e-english pa rin si Prof. Walang galang kay Jose Rizal amputek. Charot. Baka ibagsak ako nito, dalawin pa ako ng parents ko at patayin sa panaginip ko. "Ms. Meilla..." automatic akong napatingin kay Prof. "I think, you know the answer." Luh. Sino nagsabing alam ko? Nagbintang pa si Prof na alam ko 'yung sagot. Tumayo ako sa pagkakaupo. "Is it Thucydides?" Alanganin kong sagot. Tumango si Prof. Nice, umi-english na rin ako. "Right. You can now sit" napangisi na lang ako sa mga kaibigan kong bulok. Inismidan lang nila ako. Bilib naman sila sa akin, hirap talaga kapag sobrang talino e, nagiging makakalimutin, pati 'yung utak ay nakalimutan na kung saan tinago. Pinaglecture pa kami ni Prof at binigyan ng short quiz, pagkatapos ay pinapasa iyun sa harapan para raw macheck-an niya. Ewan ko ba kay Prof, walang tiwala sa amin. Akala mo naman ay do-doctor-in namin 'yung mga sagot, gaya niya pa kami kay Mr. President na walang ginawa kundi ang magpalamig sa loob ng office niya. "Be ready, may surprise quiz kayo bukas." Muntik pa akong mapamura sa sinabi ni Prof, anak ng tae, tiyak na magugulat ako bukas kapag nagquiz kami. "Class dismissed" At last, lunch na rin. Feeling ko talaga pumapasok na lang ako sa eskwelahan na 'to para kumain at umuwi ulit sa apartment. Nilapitan agad ako ng mga ugok at niyaya sa cafeteria. Mabilis lang naman kaming naka-order ng pagkain at pumunta sa garden para roon kumain dahil masyadong madaming tao sa cafeteria. Pagkatapos naming kumain ay kinuha nila 'yung bottle ng mineral water at pinaikot-ikot. Kawawa naman 'yung bote. Pinaglalaruan lang. "Truth or dare tayo?" Suggestion ni Lara. Sinang-ayunan naman 'yun ng iba kong baliw na kaibigan. Hanggang sa naglaro nga kami ng truth or dare na akala mo mga elementary. "Iyown! Sa wakas ikaw na Meilla!" Nagpout ako. Ano ba 'yan. Ang malas. Laging kila Jaycee tumatapat kaya 'di pa ako natatanong kaso ngayon, umihip yata ang hangin ng kamalasan. "Truth or Dare?" Mapangasar na tanong ni Jane. "Dare" tipid kong sabi. Ayokong magtruth, baka mamaya kung anu-ano pang itanong sa 'kin ng limang ito. Tsk. Bulok pa naman ako sa larangan ng pagsisinungaling. Pero mas bulok pa rin sila hehe. Nag-isip-isip naman silang lima. Habang nag-iisip sila napansin namin na dumaan si Sean o mas kilalang si Mr. President. Siya 'yung walang ibang ginawa kundi ang manghuli ng nagc-cutting pero parang 'di naman nag-aaral. "Good Afternoon po" sabay-sabay naming sabi. 'Lupet, 'no? Parang teacher siya o principal. Lahat ng estudyante rito sa South University ay takot sa kanya. Hindi man lang nga kami pinansin e. Dinaanan lang kami na parang hangin. Walang modo. Sabi nila, mahirap daw ang maging president ng student council, pero palagay ko ay hindi naman. Tumingin ako sa mga kaibigan ko. "Oh? Ano na 'yung iuutos niyo?" Nakita kong sabay-sabay silang ngumisi. Medyo kinabahan ako. Parang may something sa ngisi nila e. Mga loka-loka pa naman 'to. Hindi ko nga alam kung bakit kaibigan ko sila. Siguro gano'n talaga, laging may isang matino sa inyong lahat. "Halikan mo si Mr. President!" sabay-sabay nilang sabi. Nalaglag 'yung panga ko. Literal. "What? Are you fvcking serious?" 'Di ko na naiwasan na magmura at mapa-english dahil s**t naman kasi talaga! Sino bang hindi mapapamura sa dare nila? The hell! "Hoy, Bawal magmura! Kapag ikaw narinig ni Mr.President, nako..." Napatakip naman ako sa bibig ko sa sinabi ni Eya. Ang bawal magmura ay isa lang sa mga walang kwentang rules ni Sean na sinusunod naman ng mga uto-u***g estudyante at kasama na ako roon. Nako, iyong Seanto-Seanto talaga na 'yun! Kapag ako talaga naging president, ipapakick-out ko 'yun! "Ayokong halikan 'yun, malay niyo bad breathe pala si President? Yuck," tinaasan nila ako ng kilay. "Joke lang, baka kasi patayin niya ako..." tumawa silang lahat at halos mapahiga pa ang mga loka. "Hindi ka noon papatayin. Kami bahala sa'yo. Bilis na!" Tumayo sila at tinulak-tulak pa 'ko. Tatakas sana ako pero hinila ako ni Jaycee. "Kaya mo iyan Meilla, fighting! Bilis na." Aish! s**t. Wala akong magagawa nito, hindi nila ako tatantanan hangga't hindi ko ginagawa 'yung utos nila, kung makulit 'yung kapatid niyo, mas makulit sila. Kaya no choice. Huminga ako ng malalim at unti-unting pumunta sa bench na inuupuan ni Seanto-Seanto. 'Yung mga kaibigan ko namang baliw ay nagtago sa likod ng puno. Nako, kapag ako talaga napatay dito ni Sean ng 'di oras, sila unang-una kong dadalawin. Huminga ulit ako ng malalim... okay Meilla. Kaya mo iyan, inhale, exhale. "Uhm... Mr. President..." Tawag ko sa kanya. Unti-unti naman siyang lumingon. Ito na... I will grab this chance to kiss him. Pagkatingin niya sa akin ay hinalikan ko kaagad siya sa labi niya. Halos manlamig ako nang bahagyang maglapat ang labi namin. "Bye, hehe..." sabi ko at tumalikod na paalis pero hinawakan niya 'yung braso ko at hinila pabalik. Patay! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Patay kayo sa 'kin Jaycee. "What do you think you're doing?" Malamig na sabi niya na nagpalunok sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD