Chapter 2

837 Words
"What do you think you're doing?" Malamig niyang sabi na nagpalunok sa akin. Kinagat ko 'yung labi ko. I'm doomed! s**t. "A, e, ano kasi...ganito kasi 'yun...ano kasi—" hinigpitan niya 'yung hawak sa braso ko. Ouch! "Ano?" Mahinahon pa siya diyan pero kapag narinig mo parang maiihi ka na sa sobrang takot. Bakit nga ba kasi ako nagpa-uto sa mga bulok kong kaibigan? "A, e, s-sorry na... Sinasadya— I mean, hindi sinasadya..." uutal-utal kong sabi. 'Di naman kasi talaga ako ang may kasalanan! 'Yung mga kaibigan kong baliktad ang utak ang may kasalanan. "Is that so?" Tumango ako. Wew. Binitawan niya na 'yung braso ko. Pagtingin ko rito ay namumula pa ito. s**t, akala ko kung ano na 'yung mangyayari sa 'kin, buhay pa ako 'di ba? Buhay pa ako! Nagkatinginan pa kami ni Sean nang malakas na tumunog 'yung bell. "You may now go to your room..." nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Hoo! Akala ko katapusan ko na. Tumalikod na ako. "...and..." Napatingin ako sa kanya, may kasunod pa pala. "After class, go to my office, for you to know what your punishment is." sabi niya at nagwalk out na. What? Punishment? Letse! Patay na talaga ako. Kailangan ba talagang may punishment pa? Baka naman nadadaan si Sean sa matinong usapan? Napansin ko na naglapitan 'yung mga kaibigan ko. Nakalimutan ko na nandiyan nga lang pala sila. Lumapit agad ako kay Jaycee at yumakap. Sa aming magkakaibigan kasi ay si Jaycee ang pinakamature kapag nagbigay ng advice pero minsan may pagka-childish 'yung ugali niya. "Hala Jaycee, anong gagawin ko nito?" Maluha-luhang tanong ko. "Don't worry, nandito lang kami okay? Bakit mo naman kasi sineryoso 'yung dare namin sa'yo?" Sabi niya na medyo matawa-tawa. Tongonong 'yan, sabi mo pa nga fighting, tapos ano? 'Wag seryosohin? Lokohan pala amputik. "Malay ko bang binibiro niyo lang ako," sabi ko at humiwalay sa yakap. Natawa naman sila. "Anong lasa ng labi ni President, Meilla?" Inismidan ko sila, humagikhik naman ang mga gaga. "Bwisit kayo!" Inis kong sabi at ngumuso. "For now, pumasok muna tayo sa mga klase natin, okay? Mahirap na at baka makita tayo rito ni Mr. President," sabi ni Jane na sinang-ayunan naman namin. Kapag nakita kami ni Seanto-Seanto dito, tiyak na double dead ako! Pagpasok namin sa klase ay medyo nakahinga naman kami nang maluwag dahil wala pa si prof. Pero ilang minuto lang din ay dumating na ito. Grabe lutang na lutang ako habang nagkaklase kami. Gosh! Napahiya pa nga ako. "Miss Reyes, are you with us?" Napatayo ako dahil narinig ko 'yung surname ko. "A, bakit po ma'am? May sunog po ba? Nasaan?" Tarantang tanong ko. Napaface palm na lang si prof at nagtawanan naman ang mga kaklase ko. Napayuko na lang ako at umupo na ulit. Kasalanan ko bang lutang ako ha? Mga vuvu rin 'tong mga kaklase ko e, kayo kaya 'yung pilipitin 'yung kamay tapos sasabihan ni President na may punishment ka, anak ng tokwa, mababaliw na yata ako kakaisip kung anong mangyayari sa 'kin. Baka hindi ko na matapos ang pag-aaral kasi magdrop na ako dahil sa sobrang hirap nung ipapagawa ni President o kaya naman ay magsuicide na ako. Kawawa naman ako, 'di ko na matutupad 'yung pangarap kong magtinda ng fish ball at kikiam, siguro, kapag nagka-anak na lang ako, doon ko na lang tutuparin 'yung pangarap ko. Sana matupad niya iyon. "Class dismissed..." nagtayuan na 'yung mga kaklase ko pero ako parang ayoko pa ring tumayo dahil... pupunta na 'ko sa office ni Mr. President at feeling ko ay itotorture ako roon, 'yung tipong parang mamamatay ka na. Konti na lang siguro ang mga nalalabi kong oras dito, ano kayang ipupunish sa 'kin ni president? "Tanggal na ang scholarship mo!" Putek. p*****n gusto mo? "Linisin mo ang buong university!" Nag-janitor na lang sana ako! Tss. "Tumalon ka sa building." Mauna ka, una ulo huh? Ay shems! Pinukpok ko 'yung ulo ko, ano ba 'tong iniisip ko? Nababaliw na yata ako, makapagpa-check up na nga ako mamaya sa center. Baka mamaya may malala na 'kong sakit sa utak. O siguro, kailangan ko na talagang magdrop o suicide. Actually, favorite kong words ang 'class dismissed' lalo na kapag sa prof ko pa ito na bibig lumalabas pero ngayon mukhang ito na ang pinakaayaw kong words. Gusto ko pang mag-aral taena. Wala pa bang next lesson diyan? Pwede namang ituro na ni Prof 'yon. "Meilla, 'di ka pa uuwi?" Inangat ko ang tingin ko at nakita si Jane. Tipid lang akong ngumiti at umiling. "Una na kayo, kailangan ko pang mag-isip nang maayos para sa mga isasagot ko kay Sean," tiningnan nila ako nang nag-aalala, nako, sila kasi talaga ang may kasalanan nito e. Pero nagawa ko na, wala na akong magagawa. Pero in fairness kay President a, 'yung labi niya ano, hehe, basta ano. Tumango lang 'yung mga kaibigan ko at umalis na. Ilang minuto pa 'kong magtagal sa classroom namin bago ko naisipang tumayo na. Huminga ako ng malalim at pumunta sa office ni Mr. President.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD