Huminga ako ng malalim at tiningnang mabuti ang pinto ng office ni President.
Ito na. Papasok ba ako o hindi?
Papasok o hindi?
Kung papasok ako, parang lumapit na rin ako kay kamatayan. Pero kung hindi ako papasok, siguro naman ay hindi na niya ako maaalala. Tama! Sa dami ng ginagawa noon, tiyak nakalimutan niya na ako. Sabi ng mga teacher sa amin, mahirap daw maging president dahil maraming ginagawa at inaasikaso, so I think, kahit mukha ko ay hindi na niya maaalala. Great Meilla, you're so smart.
Tumalikod na ako para umalis pero nabangga ako sa isang pader. Napango yata ako roon ha? At saka taena, kailan pa nagkaroon ng pader sa likod ko? Sa pagkakatanda ko, kanina, daanan pa 'to e.
"Where are you going?" Nanlamig agad ako dahil sa boses na narinig ko. Hindi pala pader 'yung nabangga ko. Dibdib pala. Litsi, dapat pala hindi na ako pumunta rito, mukhang mapapadali pa yata ang buhay ko nito. Ano nga ba kasi ang iniisip ko at pumunta pa ako sa impyerno este office na 'to?
"P-President?" Alanganin kong sabi, tiningnan niya lang ako ng mukha niyang blangko at walang anumang ekspresyon kang makikita.
"Come in..." sabi niya at binuksan ang pinto. Sinundan ko siya. Ito na, maghuhukom na! Feeling ko, ang laki ng problemang kakaharapin ko. Parang gusto ko ng umuwi, a. 'Yung uwing hindi na ako babalik dito sa SU at matutulog na lang ako sa apartment habambuhay, gigising lang ako monthly para magbayad ng upa tapos tulog ulit.
Ang gandang buhay, bakit ba hindi ko 'to naisip dati?
"Sit here..." malamig niyang sabi at binigyan ako ng monoblock sa tapat ng mesa niya. Umupo ako roon. Okay na sana e, bakit? Aircon kasi rito, sarap tumambay dito, pangarap ko na tuloy maging president ng university na 'to para may sarili rin akong office at may aircon pa. Napag-isip-isip ko na hindi naman sagot ang suicide sa problemang kinahaharap ko kaya naman sa darating na eleksyon, Meilla Reyes para sa senado. Charot! Pero pwede a, pwede na akong maglakad— tumakbo bilang senador.
"So, you're the brave girl that kissed me, right?" Yumuko at tumango. Bahagya akong namula. Pinaaalala niya pa talaga. Brave girl... wews.
"Hmm... Dainty right?" Tumango ako. Naaalala ko tuloy si Dad sa kanya. 'Yun lang kasi ang tumatawag sa second name ko. Feeling close pa yata itong si Seanto-Seanto amp. "According to my research, your parents died five years ago. My deepest condolences. And you rented an apartment for your shelter, right?" Dahan-dahan akong napatango. Nag research pa talaga siya ha? Ganon ba kabigat 'yung kasalanang ginawa ko? Pupunta na ba kami sa korte? Pero naks naman President, nagresearch ka pa talaga tungkol sa akin, siguro ay follower ko ito sa Twitter, ano kayang username niya sa Twitter? Para i-follow back ko.
Napansin ko lang din, hindi niya naman paborito ang salitang right, 'no?
"You don't need now to rent an apartment." Nabalik ako sa realidad sa sinabi niya, bahagyang kumunot 'yung noo ko sa sinabi niya.
"Bakit naman?" May sumilay na ngisi sa labi niya pero agad din namang nawala.
"'Cause you will be my slave for the whole year" sabi niya na nagpalaglag ng panga ko. Joke ba 'to?
Is he serious? Ako... magiging alalay niya? Ha ha ha! Nagpapatawa yata ang lalaking 'to.
"What? Ayokong maging alalay mo Seanto-Seanto! Ano ka, suwerte?" Sigaw ko sa kanya. Nanliit naman 'yung mata niya. May sinabi ba akong mali? Tama naman iyon. Chics ba siya at gagawin pa akong alalay niya?
"Anong tawag mo sa akin?" Napatakip ako sa bibig ko. O-ow.
"Wala..." I said and laugh awkwardly.
"For now, get your things from your apartment then we will go to my house." So, hindi siya nagbibiro? Gagawin niya talaga akong alalay at sa bahay niya pa ako titira? Final na iyon? 'Yung totoo, gusto niya ba akong maging katulong? Aish! This is a s**t. Hindi ito makatarungan. Tatakbo pa akong senador, magbebenta pa ako ng fish ball, tapos alalay lang pala ang kahahantungan ng lahat?
"Bakit pumayag na ba ako?" Nakakunot-noong tanong ko. Lumapit siya sa akin kaya medyo napaatras ako.
"Bakit, aangal ka ba?" Kinagat ko 'yung labi ko. Bakit ganoon... bakit parang inaakit niya ako?
"A, e, hindi. May sinabi ba ako?" Bahagya kong inatras 'yung upuang inuupuan ko.
"Are you sure?" Sabi niya at lumapit pa sa akin lalo. Hinawakan niya 'yung balikat ko para hindi ako maka-atras. Hala. Letse 'to, a.
"Oo hehe, gustong-gusto ko nga maging alalay mo e..." Lumayo na siya sa akin at umupo sa swivel chair niya kaya nakahinga na ako nang maluwag. Akala mo naman talaga, gustong-gusto kong maging alalay mo? Ha! Sipain kita papuntang Mars e.
Yes po, opo, plastic po ako kapag kausap ko 'tong Seanto-Seanto na 'to.
"Good." What the hell? Aso ba 'ko? s**t. Kainis, bahagya itong ngumisi kaya mas lalo lang akong nanggalaiti sa galit sa kanya.
Bwisit kang Seanto-Seanto ka, kapag ako talaga naging president ng university na 'to, ipapakick-out kita!