"My flight will be on Sunday," sabi niya na nagpawala ng ngiti ko. Napatingin ako sa kanya. "What? Ang bilis naman? Aalis ka na agad sa Sunday? Anong oras?" Napanguso tuloy ako, iiwan niya na agad ako sa Sunday. Duga naman, Tuesday na kasi ngayon. Ang bilis pa naman ng araw. Tanggap ko na naman na aalis na siya pero ang bilis naman kasi...mamimiss ko siya nito agad. "Yeah, aalis na ako sa Sunday. 5:30am lang ako aalis dito sa bahay, maaga kasi 'yung flight ko. Baka maiwan ako," tumango ako. Lumapit ako sa kanya. "Duga mo naman. Aalis ka na agad," bumangon siya at umupo, pinulupot niya sa bewang ko 'yung braso niya. "Kaya nga ikaw nandito," he rested his head on my shoulder. Tiningnan ko siya. "So, bakit ako nandito?" "Before I leave, gusto kong gumala tayo." Sabi niya at ngumiti, k

