Pagdating namin sa sementeryo, syempre binati muna kami nung guard tapos pinapasok din. Pumunta kami doon sa puntod nung mama at papa niya. Nilagay namin doon 'yung dala naming bulaklak. Umupo kami. "Hi Mom and Dad, this is Dainty, My future wife." Tiningnan niya ako at ngumiti, ngumiti rin ako sa kanya. "Hi po," inakbayan ako ni Sean. "I'm sure kung buhay pa sila, magugustuhan ka nila," tumingin ako sa kanya. Alam ko naman 'yon, sa gandang kong 'to? Ay nako. "Can I ask you?" Tumango siya. "Bakit ba namatay 'yung parents mo?" Pansin kong unti-unting nawala 'yung ngiti niya. O-ow, wrong move. "A... sorry, don't mind my question," ngumiti ulit siya. Taenang bibig naman iyan, Meilla. Dapat diyan nilalagyan ng zipper e, napakadaldal. "Okay lang. Actually, my parents died because of me." Y

