Lumabas ako ng cubicle at tiningan ang sarili ko sa salamin. Halatang umiyak ako, namumula pa 'yung mata ko e. I sighed. Ang sama mo talaga Sean, seanto-seanto ka talaga! Pina-fall mo ako tapos hindi mo naman sasaluhin, sasabihin mo pa na I'm yours, iyun pala may hinalikan ng iba. Liar. Kinuha ko sa backpack ko 'yung sunglasses ko para hindi mahalata na umiyak ako. Magpapaalam na lang ako na uuwi na ako. Lumabas ako ng CR at pumunta sa table namin. Nagtaka pa sila kung bakit daw ako naka-sunglasses, wala na namang araw, ang sabi ko naman ay trip ko lang 'tsaka fashion ang tawag dito. Natawa lang naman sila at hinayaan na akong umalis pero si Sean, seryoso lang siyang nakatingin sa akin. May paseryoso-seryoso pa, manloloko naman. Pwe. Sumakay ako ng taxi at pumunta sa bahay ni Jaycee.

