Sumakay kami sa kotse ni Louise syempre, wala naman akong kotse e. "Saan ba tayo pupunta?" Pangungulit ko sa kanya habang nagda-drive siya. Kinalabit-kalabit ko pa siya. Medyo nawala na rin 'yung pagkailang ko sa kanya, kanina kasi ay hawak-hawak niya ang kamay ko. Pero ngayon naman ay binitawan niya na. "Samahan mo ako na bumili sa mall." Naalala ko tuloy iyung date namin ni Sean sa mall. 'Yung naka-couple shirt pa kami. "Sa mall? Anong bibilhin mo roon?" Tanong ko sa kanya pero nasa labas ng bintana ang tingin ko. "Bibili ako ng bagong phone?" Patanong niyang sabi. Parang hindi pa siya sigurado ah? "Phone lang pala, sinama mo pa ako..." Inis na sabi ko sa kanya. Anong gagawin ko roon? Tagapili ng brand ng cellphone? "Ililibre kita ng dinner okay?" Napaharap ako sa kanya. Hmm... p

