Dalawang araw ang nakalipas mula nung acquaintance party. At naging memorable ito sa 'kin, dahil na rin siguro sa mga sinabi sa 'kin ni president. Hindi ko alam kung joke lang ba 'yun o totoo, pero meron sa part ko na umaasa na sana totoo iyun at hindi lang biro. Sabi nga nila mahirap umasa sa taong wala ka namang aasahan. At saka, sapat na naman ang pinakita niya para umasa ako, 'di ba? Pero kahit ganoon, hindi ko mapigilan na magbaka sakali na boom! Isang araw, mahal niya na ako. Pero sabi niya naman talaga, mahal niya ako, 'di ba? Mahal niya ang slave niya. E paano kung may iba pa siyang slave bukod sa 'kin? Ay, anak ng tokwa! Kung anu-ano na naman ang naiisip ko e, pero seriously, dapat ba akong magtiwala sa kanya? Dapat ko bang paniwalaan 'yung sinabi niyang mahal niya ako?

