Chapter 20

1115 Words

"Doon na tayo sa party?" Napatingin ako kay Louise sa tanong niya. Gusto kong umayaw dahil tiyak na makikita ko do'n si President pero nahihiya naman ako kay Louise kasi baka masyado na akong maging pabigat sa kanya. "Pero kung ayaw mo okay–" pinutol ko 'yung sasabihin niya. "Hindi, okay lang... tara na." ngumiti ako kahit pilit lang. Hinawakan niya ako sa kamay para alalayan. Kanina, kinuha niya rin 'yung flat shoes ko sa locker ko, kasi nga 'di ba nasira 'yung heels ko. Hay. Sa divisoria ko lang yata nabili iyon e, napakadaling nasira. Parang 'yung tiwala ko sa kanya. Charot! Gano'n naman talaga 'di ba? Charot kahit masakit. Bakit ba ang malas ko? Pagdating sa court, umupo kami sa upuan sa pinakadulo. Hindi na namin naabutan 'yung opening kasi pagdating namin, nagsasayawan na sila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD