Chapter 5

886 Words
Nagising ako nang may kumatok sa kwarto ko. Nakatulog na pala ako nang hindi ko namamalayan kahit na walang electric fan or aircon, malamig naman kasi binuksan ko 'yung bintana 'tsaka tinali ko 'yung kurtina. Presko sa pakiramdam kaya makakatulog ka talaga. I yawned. Iisipin ko pa sana kung babangon na ba ako o hindi pa pero naalala ko na may kumakatok nga pala sa pinto ko. Baka naman si President? Pero nakakapagtaka naman na mag-e-effort pa ang bulok na iyon para lang kumatok sa pinto ko... at makita ako? Shiz. 'Yung imagination ko kung anu-ano na naman ang lumalabas. Bumangon ako at binuksan ang pintuan. "Hello po Ma'am, tawag na po kayo Sir Jacob sa baba." Tumango ako sa maid. Maid lang pala. Pero ano raw? Sir Jacob pala ang tawag sa kanya rito? Tae! Parang ang bait niya naman kasi kapag Jacob. Hindi bagay, ang sama ng ugali e. Naghilamos muna ako at nagpalit ng damit. Pajama and T-shirt. 7pm na pala. Pagkababa ko ay may sumalubong sa akin na maid. Naks naman, ang ganda ng uniform nila. Parang 'yung sa mga uniform ng anime sa school nila. Magkano kaya sweldo nila rito? Tinatrato kaya sila ng maayos ni Sean? "Dito po tayo sa may kusina" sabi niya at tumalikod pero kinalabit ko siya. "Bakit po?" Tanong niya sa 'kin. "Kusina lang po walang tayo" sabi ko at ngumiti. Kumunot naman ang noo niya. Ay hindi nagets ni ate, hindi siya millennial. Sabagay, mukhang nasa 40 na si ate. "A, e, wala po hehe..." tumango na lang siya at dumiretso na sa kusina, iniisip siguro ni ate na baliw ako. Sinundan ko naman siya. Pagdating namin sa kusina ay nakita ko si President na naka sitting pretty pa. Kasama 'yung pusa niya. Kailan ko kaya mananakaw 'yung kwintas nung pusa? Charot! Pero seriously, ang ganda talaga nung kwintas nung pusa niya. Magkano kaya iyon kapag sinanla? Pwede ko rin namang ibenta, may kakilala ako na bumibili ng mga ganiyan. Malay mo nasa libo rin 'yung halaga niyan. Powta. Ang ba 'tong iniisip ko? Umupo ako sa upuan sa mesa. "Did I tell you that you can sit?" Napakagat ako sa labi ko at mabilis na tumayo. Sabi ko nga, wala siyang sinabi 'di ba? "W-Wala. Hehe. Sorry..." "Okay. You may now sit." Spell laglag panga? Taena! Papaupuin din pala ako e! Nako, papatayin ko na talaga 'tong Seanto-Seanto na 'to! Konti na lang. Hintayin mo lang na makahanap ako ng magandang timing at humanda ka sa 'king Seanto-Seanto ka, makikita mo kung sino 'yung ginawa mong alalay. Charot. Baka paglinisin pa ako niyan ng buong S.U. Nagsimula na kaming kumain. Tahimik lang. Parang may dumaan na anghel. Walang nagsasalita. Halos mabingi nga ako e. Pero dahil ako'y mainiping bata hindi ko mapigilan na hindi magsalita. Parang madaldal yata ang tamang term doon. "President..." Tawag ko sa kanya. "Hmm?" Hindi man lang lumingon. Tsk. Sungit talaga. "Pwedeng magtanong?" Maingat na sabi ko, feeling ko kapag may isang maling salita akong nasabi ay bubugahan niya agad ako ng apoy. "You're already asking." pigilan niyo ako, pigilan niyo ako! Papatayin ko 'tong Seanto-Seanto na 'to, Pilosopo masyado, akala mo naman ikinaguwapo niya, hmp. "'Wag na nga" napairap ako. "Tss. Spill it out. What's your question?" Nakatingin na siya sa 'kin. Nacurious ang isang president, patayin ko kaya 'to? Curiosity kills the cat naman 'di ba? "Bakit kailangan mo ng slave?" Kumunot ang noo niya. Ngayon ko lang talaga naisip na itanong 'to. "Pake mo ba?" Napairap ako. "Tatanungin mo kung anong tanong ko tapos 'di naman pala sasagutin ng ayos," bulong ko. Papatayin ko talaga 'to e. Kanina pa 'ko papatayin nang papatayin pero hanggang ngayon buhay pa rin 'tong letse na 'to, ano na? Hanggang drawing na lang 'yung pagpatay ko kay Sean? "Are you saying something?" Once again, napairap na naman ako. "Wala" nagulat ako nang tumayo na siya. "Tapos ka na kumain?" Gulat na tanong ko. "Yeah, if you're done eating just leave it there, then go to my room as soon a as possible" ang bilis niya naman kumain, nilulunok niya lang yata e. "Bakit ako pupunta sa room mo?" Nagtatakang tanong ko. "Tsk. Ang daming tanong..." Iyun lang ang sinabi niya at iniwan na ako mag-isa rito sa kusina. E? Pagkatapos kong kumain, niligpit ko 'yung mga pinagkainan namin at nilagay sa may sink, hinugasan ko na rin ito. Hindi ko siya sinunod na iwanan ko lang, magiging pabigat pa ako sa mga maids niya. Ang tamad talaga noong Seanto-Seanto na 'yun. Palibhasa kasi mayaman e. Pagkatapos kong maghugas nilagay ko isa-isa 'yung mga plato, kutsara, tinidor, kutsilyo sa lalagyanan nito. Pagkatapos lumabas ako ng kusina pero ngayon ko lang narealize ang isang bagay. May nakalimutan ako. Nakalimutan ko 'yung daan papuntang kwarto ko. Patay! Saan ba iyun? Alam ko diretso lang tapos liliko sa kanan tapos... saan na? Hala naman! Ang laki-laki kasi ng bahay e, putek. Paano na 'ko nito? Patay ako nito kay Sean, sabi niya pa naman pumunta ako sa kwarto niya agad. Pero hindi ko naman kasalanan na hindi ko kabisado 'yung bahay niya 'di ba? Malay ko bang maze pala 'tong pinasukan ko. Nasaan na ba kasi 'yung mga maids? Nako naman oh! 9pm na. Ano ba iyan, at the same time inaatok na rin ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD