Chapter 6

874 Words
Shiz. Ang lamig dito. Para akong nasa north pole, charot. Ang OA naman noon, pero seryoso, ang lamig talaga. Ramdam na ramdam ko 'yung paghampas ng hangin sa katawan ko. Naupo muna ako at napanguso. Nasaan na ba kasi 'yung kwarto na iyun? May hagdan pang aakyatan iyon e. Nasaan na kaya 'yung mga maids? Walang naliligaw dito sa dining room, baka naman tulog na? Patay. Ibig sabihin, no choice ako? Dito talaga ako matutulog? Sure na, final na 'to? Kainis naman kasi si Seanto-Seanto e, bakit ba kay laki ng taenang bahay na 'to? 9:30pm na at hanggang ngayon wala pa rin ako sa kwarto ko, sa kwarto pala ni President dahil kakausapin pa yata ako ng feeling famous na 'yon. Malay ko ba kung anong sasabihin sa 'kin noon at kapag nakita ko talaga siya, sisipain ko 'yung ano niya, napaka-ano e. Laki-laki kasi ng bahay. At dahil sa desperada na talaga akong matulog, umalis na ako rito sa dining room at naglibot-libot sa bahay. Sige, tamang ikot lang para mas maligaw ako. Hindi ko kasi makita 'yung powtang hagdan. Kapag nagkatrabaho na tuloy ako, ayoko na magpatayo ng malaking bahay. Nakakahilo pala. "A, ma'am? Gabi na po, a? Bakit nandito pa kayo?" Bumalik ako sa realidad nang narinig ko ang isang boses ng maid. Lumingon agad ako dito at napayakap.  Oh, my gosh! I'm save, ilabas ang sampung baboy at ipalechon, now na! May tutulong na sa 'kin, sa wakas. Thank you, Lord! Hoo! Akala ko mamamatay na ako rito. Ang OA ko, ano? Pero sino ba naman kasing hindi magiging OA? 'Yung mga walang pakiramdam lang iyon. Tulad nung crush ko rati na sobra-sobra na 'yung paramdam ko pero napakamanhid pa rin. Boom! Humiwalay ako ng yakap kay manang. "Nasaan po ba 'yung kwarto ni Sean?" Ngiting tanong ko. "A, dito po..." itinuro niya sa 'kin ang daan kaya sumunod lang ako kay manang. At powta! Nasa likod pala ng kusina. Sa likod pala ng kusina may isang pinto roon para shortcut sa hagdan, meron din naman sa may sala ka dadaan. Pero mas mabilis dito. Putek! Dito lang pala, sinusumpa ko 'tong bahay na 'to, may galit yata sa akin. "Dito na po ma'am..." Tumango ako. "Salamat ate" tumango lang siya at nagwalk out na. Huminga ako ng malalim at kumatok. Ilang segundo lang at binuksan na rin ito ni Sean. Ngumiti ako pero agad ding nawala nang makita kong sobrang seryoso niya. "Ngiti-ngiti naman diyan kapag may time" biro ko pero parang wala lang siyang narinig. Joke nga lang 'yon e. "Bakit ngayon ka lang?" Panimula niya. Grabe. Feeling ko, parang bata ako na galing sa galaan at gabi na umuwi. Pero tamang smile pa rin kahit mukha na kong matatae sa takot sa kanya. Mamaya, bigla ako nitong sakalin e. "Hindi ko kasi makita 'tong kwarto mo e, ang laki—" He cut me off. "'Di ba ang sabi ko sa'yo ay pumunta ka na rito pagkatapos mong kumain?" Napanguso ako. Hindi ko alam na ang pangalan pala ng tatay ko ay Sean. At hindi ko rin alam na nabuhay pala ulit ang tatay ko. At isa pang hindi ko alam na ang tatay ko pala ay isang Seanto-Seanto na ang sarap ilibing ng buhay at ilubog sa Atlantic Ocean at doon na patirahin sa bikini bottom. "Ayoko naman kasi maging pabigat—" Once again, he cut me off. "You're my slave and not a maid..." napairap ako. Ayoko na magsalita puputulin niya na naman e. Ngumuso lang ako. "Come in" sabi niya kaya pumasok na ako. Umupo ako sa sofa, malapit sa kama niya. Ang awkward naman na magkasama kami sa iisang kwarto. Sarap ibash ngayon ni President. "Sit here." sabi niya at nipat 'yung kama niya. E? Tinaasan ko siya ng kilay. "Faster!" Sabi niya kaya napatayo agad ako at mabilis na pumunta sa kama niya at umupo. Faster? Kabayo ba? "Tomorrow will be the first day of your punishment. So for start..." May kinuha siyang mga papel sa isang drawer at binigay sa akin 'yun. "Gagawin ko diyan?" Nagtatakang tanong ko. "Susunugin ko?" He raised his eyebrow. "Tatakan mo nito ang lahat ng ito..." May pinakita siya sa akin na isang stamp pad at ink. 'Yung totoo, president ba siya ng university o ng company? "Teka... hindi ba dapat ay secretary mo ang gagawa niyan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Sige, pataasan tayo rito ng kilay. "Tss. You'll be my secretary and slave." Nanliit iyung mata ko. "Ang dami ko namang parusa?" Pasigaw kong sabi sa kanya. Wala e, maduga siya, unfair. Lumapit siya sa 'kin kaya napaatras ako. Lumapit pa siya sa akin kaya napaatras pa ako. Hanggang sa hindi na ako makaatras dahil mahuhulog na ako sa kama niya. Ano 'to, lapit nang lapit, layo nang layo? "I am your president here. So, don't shout at me. I am the boss and you are my slave. See the difference?" Napakagat ako sa labi ko at tumango. "I-I see..." "Good. You may now leave. Sleep well. So that, tomorrow I'll give you my rules..." "Rules?" Kinunutan ko siya ng noo. Anong rules iyon? "Yeah. Whatever. You may now leave." Sabi niya at tinulak-tulak pa ako palabas ng kwarto niya. Hala, kainis 'to ah!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD