"s**t!" Napabangon ako bigla sa lamig. Nakita ko si Sean sa gilid ng kama ko. Pinangliitan ko siya ng mata. "Loko ka ha!" Tiningnan niya lang ako. Inirapan ko siya. Nakakainis, umagang-umaga nangba-badtrip siya. Buhusan ba naman ako ng malamig na tubig? Poshang iyan! Ang sarap talagang ibash e, video-han ko kaya lahat ng ginagawa niya sa akin at inuutos tapos ibigay sa DepEd? O kaya ipost sa YouTube? Ay 'wag na, baka mamaya puro dislike lang ang makuha ko dahil marami siyang fans na mukha namang Barbie, mga plastic. "Tsk. Tulog mantika." Napatingin ulit ako sa kanya. Wow, so may tulog tubig? Taena talaga, hindi ko matatanggap na binuhusan niya ako ng tubig. Ako lang dapat ang gagawa sa kanya noon e, pero asa pa akong magagawa ko nga sa kanya iyon. Baka sugurin ako ng mga pabebe niyang f

