"Dainty..." Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at tiningan kung sino ang tumatawag sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. Ba't ang guwapo ng kaharap ko ngayon? Nananaginip ba ako? Kinusot-kusot ko ang mata ko at halos maduwal ako sa sinabi ko nang makita kong si President pala iyon. "President! S-Sorry, nakatulog pala ako. Pero natapos ko naman 'yung pinapagawa mo e..." Nakayukong sabi ko. Parang ang galang ko yata ngayon? Ganito lang talaga siguro kapag bagong gising, epekto kumbaga. "Yeah, whatever. It's okay. Let's go..." Akala ko ay papagalitan niya ako e. Pero ano raw? Let's go? Magd-date ba kami? Hala, sorry na lang siya. Hindi niya talaga ako fan at hindi niya rin ako lover tulad ng ibang estudyante rito. "Sure ka?" Kumunot 'yung noo niya. "Yeah. Uwian na. 4:00pm na." Napakagat

