Saan ba 'yung kwarto ko? Nalintikan na. No choice yata ako ngayon. Kanina pa ako rito paikot-ikot at hanggang ngayon ay wala pa rin. Nganga. Nanatili na lang ako rito sa living room. Mag-aalas otso na rin at wala pa yatang balak lumabas si Sean sa kwarto niya para magdinner. Ako? Nagugutom na ako. Konti na lang at kakainin ko na 'tong pusa ni Sean na kanina pa patingin-tingin sa akin. Kailangan kong matulog sa sofa dahil ito lang ang nakikita kong pwedeng higaan. Hay! Ang lamig pa naman. Dapat talaga, hindi ko na lang sinunod si Sean at nanatili na lang doon sa kwarto kahit na hindi raw siya makapagpigil sa kung ano man iyon. Actually, maaga pa naman, eight in the evening pa nga lang 'di ba? Kaso ayoko namang umalis dito dahil baka lalo lang akong maligaw. Nakalimutan ko kasing hingin

