Maaga akong nagising ngayon. Five in the morning pa lang pero gising na ako. Pupunta kami ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing ang magulang ni Sean. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin gets kung bakit galit siya sa kapatid niya, kay Syrene. Hindi niya sinabi sa akin kung bakit, siguro masyadong malalim ang dahilan. Baka raw malunod ako, charot. Seriously, ba't ang corny ko? Nandito lang ako sa kama ko at nakahiga habang nakatingin sa kisame. Walang magawa. Bakit ba kasi ang aga kong nagising? I check the watch and I see that it is already 5:30am. I yawned. Maaga pa rin. Sinubukan kong matulog pero ayaw talaga, naisipan ko na bumaba na lang sa kusina para magtimpla ng gatas tutal kabisado ko na naman itong mansion, sure ako na hindi na ako maliligaw. Tahimik akong bumaba sa hagdan.

