"Can I ask you for a date?" Nagulat ako sa sinabi niya. Is he serious? "E?" Iyan lang ang tanging nasabi ko sa tanong niya. Pinasadahan niya ang buhok niya gamit ang mga daliri niya at frustrated akong tiningnan. "Ang bingi mo naman, oh!" Tingnan mo 'to, nagalit pa. 'Tsaka bakit ba siya nagagalit? Tinaasan ko siya ng kilay "Paano ba naman, baka ginugood time mo lang ako!" Asik ko sa kanya. "Tss. 'Wag na nga!" Tumalikod na siya pero hinila ko ang braso niya. "H-Hindi, pwede naman e, kung gusto mo..." naiilang kong sabi. Nakita kong ngumisi siya. "Gusto rin naman pala," napairap ako. "E 'di huwag!" Pumasok na ulit ako sa kwarto ko pero hinila niya ako kaya napaharap ako sa kanya. Kinamot niya ang ulo niya. "Hindi, joke lang. So mamayang two?" Ngumiti ako at tumango. Umalis na siya.

