CHAPTER 4

1386 Words
CHASE'S POV [TALAGA BAYAW? sasamahan mo ako?] Nailayo ko ang phone ko sa tenga dahil sa tinis ng boses nitong kausap ko. Kalahi yata to ni lamok eh. Ang hilig sumigaw sa tuwing kinakausap mo sa tawag. "Oo nga BATA paulit-ulit ka na eh" Sagot ko habang pinagdidiinan ang salitang "bata" [Uy bayaw hindi na ako bata! 21 na ako! pwede na nga akong gumawa ng bata eh] Naibuga ko bigla ang tubig na iniinom ko. "Aba't! talaga naman! ikaw na bata ka. Napaka pasaway mo kahit kelan. Hoy Lawrence wag na wag kang tutulad sa apat na itlog kong kaibigan ha! na pinaglalaruan lang ang mga babae. Masama yan. Isipin mo may dalawa kang babaeng kapatid masya— [Bwahahaha! Joke lang bayaw! di ka naman mabiro! hahahaha] Teka, may nakakatawa ba sinabi ko?. "Sige tumawa ka pa. Hindi na pala kita masasamahan mamaya Mr. Jones, naalala ko marami pa pala akong ga—— Pansin ko lang din mga mare ha ang hihilig nilang putulin mga sasabihin ko. Graduate siguro ng putol-putol education mga to. [Ilang chicken gusto mo bayaw] Natigilan ako sa sinabi nitong bata at iglang pumalakpak ang tenga ko pagkarinig ko palang ng salitang CHICKEN. Alam na alam nya talaga kung paano ako susuhulan. [Sakto pa naman madadaanan natin yun mamaya bayaw] Dagdag nya pa na may tinig pang-aasar. Alam nya kasing hindi ako tatanggi pag dating sa chicken. Lalo na kapag yung chicken na nabibili doon sa bubuyog na buntis. Favorite ko kasi talaga ang chicken simula pa nung bata ako dahil minsan lang ako nakakakain nun. Kahit hanggang ngayon na matanda na ako, madalang parin akong makakain nun. Kung hindi ako ililibre hindi din ako makakakain. Yung sinasahod ko kasi ay kulang pa sa pang gastos ko sa pang araw-araw tapos may hinuhulagan pa akong kotse kaya yun, ultimo chicken hindi ako makabili. [Hello bayaw?Andyan ka pa ba?] "Ba't ba bayaw ka ng bayaw jan. Nakakarindi ka na bunso eh" [Bakit? bayaw naman talaga kita ah. Asawa mo ate ko. Kaya natural lang na bayaw ang tawag ko sayo. Diba bayaw?] Aishh grabe hindi talaga ako nananalo sa kanila. "Anong oras ba yang pupuntahan mo?" [Yun oh! sabi ko na nga ba hindi mo'ko matatanggihan eh!] "Wag kang feeling jan bata. Yung manok ang hindi ko matanggihan. Hindi ikaw." [Suuss aminin mo na kase bayaw na hindi mo talaga kayang tanggihan ang charm ko] Saad nya sa kabilang linya. Kita mo tong batang to. Punong-puno ng hangin sa katawan. Kala mo naman hindi nanunuhol kanina. "OO na sige na. Hindi na kita matanggihan." Pagsuko ko. "Dali na sabihin mo na kung kelan tayo aalis. Magpapaalam pa ako sa ate mo" .... [HUWAG NA bayaw.] Biglang sumeryoso ang boses nya pagkabangkit ko sa ate nya. Ano ba naman tong batang to may sira ba to? Kanina lang tawa ng tawa. Tapos ngayon, Sobra namang seryoso na para bang hindi nya nagustuhan ang narinig nya. [Wag ka ng magpaalam sa malditang yun. Pabayaan mo sya jan. Malaki na sya. Kaya nya na sarili nya.] "Bunso kailangan kong magpaaalam baka mam—— [Hindi ka lang nun papansinin bayaw kaya wag na! mag aaksaya ka lang ng layaw sa demonyitang yun] "Bunso bibig mo. Ate mo parin si Bri-Bri kaya wag mo syang pagsasalitaaan ng ganyan." [At ano? kapag ikaw pinagsasalitaan nya ng masama okay lang?! wala akong pakialam kahit ate ko pa sya hangga't hindi ka nya tinatratong tama!] Hindi nalang muna ako sumagot. Pakakalmahin ko muna. Manang-mana pa naman to sa ate nya na ang hirap pakalmahin kapag galit. Maya-maya pa ay nagsalita na sya. Kumalma na siguro. [Susunduin kita mamaya jan bayaw. Baka kung ano pang gawin sayo nung sadistang yun.] Kalmado na nyang saad. "Ok sige.. kung yan ang gusto mo.. Magiingat ka sa pagmamaneho papunta dito ha" [Noted bayaw. Sige. Babye na.] *** K AKATATAPOS ko lang maglinis ng buong bahay. Nalinis ko narin ang lahat ng cr pati narin mga kwarto. Maliban nalang syempre,sa kwarto ng asawa ko. Hindi pa kasi sya nagigising ng mga ganitong oras. Lalo na kapag Sunday,around 10am pa sya nagigigising. Malaki din kasi tong bahay namin. Actually bigay to ng mga magulang ni Bri-Bri. Regalo nalang daw nila sa kasal namin. Two storey house sya at modern na modern ang design. May apat na kwarto sa second floor ng bahay, isa na dun ang kwarto ni Bri-Bri. At tatlo naman dito sa baba kasama na kwarto ko. Nung una syempre, hindi ako pumayag. Dahil nakakahiya naman na pati bahay namin sagot pa nila. Pero napagtanto kong, hindi pala sanay sa simpleng buhay si Bri-Bri. At paniguradong ayaw na ayaw nya na sa maliit lang na bahay titira. Anyways, alas-syete palang kasi ngayon ng umaga at ngayon ko lang narealize na sobrang aga pala akong binulabog nung batang yun kanina. Nagpapasama kasi sya sa Company nila dahil may gagawin daw. Nagtataka nga ako kung bakit kailangan ko pa syang samahan. Eh wala naman akong kinalaman sa kompanya nila dahil hindi naman ako dun nagtatrabaho. Since maaga pa naman, saktong-sakto at may oras pa akong makapamalengke sa talipapa. Usually kasi mga 4:30 palang ng madaling araw ay gising na ako para mamalengke. Mas maaga kase mas maganda dahil mga sariwa ang mabibili mo. Atyaka wala namang ibang mamamalengke bukod sa akin. Alangan naman yung asawa ko ang gagawa nun noh. Malaking AS IF. Grocery nga sa mall hindi nya pa napupuntahan. Palengke pa kaya?na sobrang dumi at sobrang putik. *** "MANANG Beth ang ganda nyo po ngayon ah! malayo palang ako nakikita ko na ang kasesexyhan at kagandahan nyo!" Bola ko kay manang Beth, alam nyo na, para makatawad mamaya haha. Pero maganda naman talaga sya kahit may kaedaran na. Nasa 47 na kase sya pero kahit papano masasabi kong inaalagan nya ang mukha nya kahit lagi syang naiinitan. Kaya totoo parin yung sinabi ko sa kanya noh. Maliban nalang sa sexy part, may katabaan kase si manang Beth at konting lamon nya nalang pwede na syang maging kamag-anak ni BUDHA hehe. "Oh Chase-Pogi! sinasabi ko na nga bang ikaw yan! wala naman kaseng mambobola sakin ng ganyan bukod sayo. Ikaw talaga na bata ka. Nga pala tinanghali ka yata ngayon? "Konti lang po kase bibilhin ko ngayon manang Beth..may natira pa po kase sa mga pinamili ko kahapon kaya hindi na muna ako namili kaninang madaling araw. Nasa bahay din kasi ngayon yung asawa ko kaya inuna ko munang maglinis ng bahay" "Ahh ganun ba, ikaw talaga na bata ka sobrang butihin mo naman yatang asawa. Sya nga pala, kelan mo ba sakin ipapakilala yang asawa mo? Ikaw lang lagi kong nakikitang namimili dito eh. Ni-minsan hindi mo isinama yung asama mo." Hayyy.. kung alam mo lang manang Beth na imposibleng mapadpad dito si Bri-Bri. Sya nga pala,alam rin ni manang Beth na kasal na ako at babae yung asawa ko, pero hindi nya pa nakikita si Bri-Bri ng personal. "Busy po kasi sya lagi..." Naisagot ko nalang. "Magkano ho itong repolyo nyong isang buo?" Pag-iiba ko sa usapan dahil hindi ko alam kung ano pang isasagot sa kanya. "Ah yan ba kamo 70 pesos yan. Pero ibibigay ko nalang sayo ng singkwenta dahil sinabihan mo akong maganda't sexy kanina" Oh kitams? Konting bola bola lang yan mga pre. Hay salamat naman at makakasave ako ng bente pesos. Pang biling kanin ko narin to mamaya. Pagkatapos kong mamili ay dumiritso na ako sa bahay para makapagluto ng kakainin ng Boss Bri-Bri ko. Sigurado din kasi na mamaya-maya darating na si bayaw para ipagpaalam ako. Ganun kasi ang ginagawa nya kapag sinabi nyang susunduin nya ako dito sa bahay, matik na yun na sya na ang bahalang magpapaalam para sakin. Totoo naman kasing hindi lang ako papansinin ni Bri-Bri dahil wala naman syang pakialam sa akin in the first place.Baka nga kapag namatay ako ngayon mismo eh magpaparty pa yun. Pero kasi kaya ako nagpapaalam sa kanya tuwing aalis ako eh dahil babatuhin nya na naman ako ng kung ano-ano depende nalang sa mahahawakan nya.Kesho wala daw akong karapatang gumala-gala at maglakwatsa kasama ng mga kaibigan ko dahil maraming gawain sa bahay kahit tapos ko naman na talaga gawin ang lahat bago umalis. PAKATATAG KA LANG SELF! KAYA MO YAN! TANDAAN MO: ANG SUSUKO HINDI CUTE. Tama. tama. laban lang dahil sobrang cute ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD