CHASE'S POV
NAPABALIKWAS ako ng bangon ng marinig ko ang tunog ng sasakyan na nagmumula sa labas ng bahay. Ibig sabihin dumating na si Misis.
Kaya nagmamadali akong tumakbo at nagtungo sa pintuan para salubungin sya. Ang totoo nyan nakasilip lang ako dito sa napakalaki naming pintuan.
Moments later at nakikita ko na ang kabuoan nya at isang lalaking lumabas sa sasakyan at may pinag-uusapan kaya malaya kong napagmamasdan ang kabuoan ng asawa ko.
"Sobrang ganda nya talaga". Nasabi ko nalang bigla dahil malayo pa lang sya ay nakikita ko na kung gaano sya kaganda.
She's really perfect. Her pointed nose, her hair, her face, her lips and her body na lumilitaw ang kasiksihan kahit naka office attire sya.
Lahat lahat ng nasa kanya ay perpekto. Ganun talaga siguro kapag favorate ni Lord. Sana ol piborit.
Sobrang tangkad din nya na pang Super Model ang datingan. Well, ang alam ko kasi model talaga sya sa isang sikat na Fashion Show sa buong mundo.
"Secret of Victory ba yon?" o "Victorian Secretary?"
Ah basta sa pagkakatanda ko lang talaga may
Secretary tyaka Victor yun.
"Hindi kaya Secretary of Victor?" Ngek. Parang ang chaka naman ata.
Hindi kase ako mahilig sa mga Fashion Model kaya wala talaga akong alam sa mga ganyan.
Nagkataon lang talaga at Fashion Model din ang asawa ko hehe.
Sa sobrang tangkad nya isama pa yung napakaganda nyang mukha eh alam mo na talaga agad na model sya.
Pero syempre mas matangkad parin ako.
At sa klase palang ng tindig nya ay malalaman mo ng kagalang-galang at nagmula sya sa prestihiyosong pamilya.
At pag nagsisimula na syang maglakad ay animoy sa kanya ang lahat ng madadaanan nya tapos ginagawa nyang runway.
Nakataas noo dn kasi sya at sobrang fierce talaga ng dating nya. Just her presence can make you drool and intimidated by her at the same time in just a snap.
"ARAY ko po"
Awtss mga tol ang sakit nun ah. Hindi ko namalayan na nakalapit at inuntog na ako ng asawa ko ng pintuhan dahil busy ako sa pagpuri sa kagandahan nya.
"Such a STUPID i***t indeed."
Bigkas ng asawa ko na nakatitig ng masama sa akin. Habang ako heto, dali-daling tumayo ng maayos.
Medyo na-out of balance kase ako sa pagkakauntog ko. Dambuhala kaya tong pintuan namin tas bakal pa. Grabe talaga may bagong baby-bukol na naman ata akong aaalagan neto.
"Stay away from my way you dimwit!"
Gigil na sigaw nya na halatang nauubusan na agad ng pasensya sa akin.
Sa bagay, makita palang nga nya pagmumukha ko nanggigil na sya.In a bad way nga lang.
Sweet ng asawa ko noh? Ang ganda ng bungad.
"Kaya lalo kitang minamahal asawa ko eh pafall ka talaga" syempre sa isip ko lang yun. Mahirap na. Mabuti parin yong nagiingat.
"Ahmm asawa ko kumusta lakad mo? Nag-enjoy ka ba? "
Masiglang bati ko ng akmang lalampasan nya na ako pero deri-deritsyo parin syang naglalakad na parang walang narinig.
"Ahm asawa ko nagluto ako ng paborito mong pasta"
Dagdag ko pa dahil malapit na kami sa sala at konting lakad nalang nasa dining table na kami.
"And so? What am I supposed to do with that food of yours?
Walang gana nyang sagot.
"Ahm diba paborito mo ang Italian Pasta asawa k---
"Shut the f**k up! You dyke! Dont you dare continue that word to me and you'll see hell will break loose!"
Ubos na pasensya nyang sigaw na may kasamang pang pag duro sakin.
Kaya tumahimik at agad agad akong napatungo. Pag ganyang nagbabanta na sya ay siguradong gagawin nya talaga.
At paniguradong gigising nanaman akong may bukol o di kaya sugat bukas sa oras na hihirit pa ako.
"What now?! You want me to eat that disgusting food that you've made? Hell no! If I know you put some potion spell on it that's why you're so eager for me to eat it"
Nakataas kilay nyang saad at may pagdududa nyang turan.
Ano daw? Spell? gayuma ba ang tinutukoy nya? Eh lagi nya naman kinakain yung niluluto ko ah. Nagayuma ba sya?
Dahil ako lang ang naghahanda ng pagkain nya. Bukod sa wala kaming kasambahay eh hindi naman sya marunong magluto.
Kaya no choice sya kundi kainin ang niluluto ko pag nandito lang sya sa bahay.
Pero syempre sa isip ko lang yun.
Mahirap na baka paglamayan na ako neto bukas kung sasagot pa ako.
Maya-maya pa eh naramdaman ko nalang na nagtungo sya dining table at hindi ko pa man naitingala ang ulo ko para tingnan sya, may malagkit na akong naaamoy at nararamdamam sa may ulo ko na unti unti ng napupunta sa mukha ko.
Ibinuhos nya kasi ang beef steak at pasta sa ulo ko kaya sobrang lagkit talaga.Wo! Pede na akong gawing pain sa aso neto! grabe ang lagkit mga pare!
"You cooked that right? There, eat it. But without using a plate. Lick your own. YOU DISGUSTING PIECE OF SHIT."
At dumiretsyo na sya sa hagdan papunta sa ikalawang palapag nitong bahay nandun kasi ang kwarto nya.Samantalang nandito naman sa baba ang akin.
As expected. Magkaiba ang kwarto namin ng mahal kong asawa. Makita nga lang ako namimilipit na sya sa galit makasama pa kaya ako sa iisang kwarto?
Haha Baka tuluyan ng magbuga ng apoy yun at hindi na ako sisinagan ng araw kung saka-sakali.
***
MEET Sabrina Louise Hermione Jones.
The cold-hearted and heartless Billionaire and one of the most famous CEO of J&V Enterprises.
By the age of 15 she began her journey in the world of business. Nicknamed "THE YOUNGEST AND MOST PROMINENT BUSINESS TYCOON"
That's the reason why she's feared by many people in the business world. All Veterans/Rookie enterpreneurs never dared to compete with her. That leads her Company to be the second MOST prominent Businesswoman in the World next to H&V Enterprises.
And now, by the age of 24 she already owns lots of hotels, resorts and Company buildings.
Parang ayaw ko na ituloy ang Introduction kay Bri-Bri ah.Bukod kac sa napapa spokening dollar ako eh sobrang nanliliit din kase ako sa sarili ko habang sinasabi ko ang mga narating nya.
She's only 24 pero ang layo na ng narating nya sa buhay at marami na syang napatunayan.
Samantalang ako heto.. taga xerox at paraket-raket parin.
Pero kahit ganun, proud na proud ako sa asawa ko dahil alam ko kung gaano sya ka-dedicated at kahard-working pag dating sa pagpapatakbo ng kompanya nila.
Hay.. antas palang ng pamumuhay hindi na talaga kami bagay.
Pero hindi parin ako susuko! gagawin ko ang lahat ng makakakaya ko para mahalin nya din ako.Kahit hindi nya ako mahalin katulad ng pagmamahal ko sa kanya, ayus lang. Basta kahit konti manlang sana matutunan nya akong mahalin.
Kahit konti lang..
Napansin nyo rin siguro na hindi nya gamit apelyido ko noh.
Kung bakit ganun?
Simple lang.
Ayaw nyang ipangalandakan na kasal sya at sa kasamaang palad at sa akin pa.
Ayaw nyang may makaalam sa kasal namin kaya mga pamilya, kamag-anak at mga kaibigan lang namin ang nakaka-alam.
Kapag tinatanong naman sya ng mga kamag-anak nya kung bakit hindi nya ginagamit at dala ang apelyido ko ay heto lagi ang sagot nya...
"My name is TOO LONG enough to ADD another name. So NO."
Yan lagi nyang sagot may kasama pang pagdiin sa mga salita nya. Kesyo mahaba na daw masyado pangalan nya kaya hindi nya na dadagdagan pa.
Pero alam ko naman talaga ang totoong dahilan.Yun ay kahit kelan hindi nya gugustuhing dalhin ang kahit anong nagmula sa akin.
But then again..
Okay lang sa akin dahil tanggap ko naman kung ano at kung gaano ako ka-walang kwenta sa kanya.