CHASE'S POV
DALI-DALI kong pinark ang kotse sa garahe ng bahay namin. Sa nagtataka kung bakit ako may kotse eh isa lang akong dukha? Yun ay dahil sa pinag-ipunan ko talaga ang pangbili nito sa tototo nga nyan hindi pa to bayad hinhulog hulogan ko lang kasi to.
Kaya nga ingat na ingat ako dahil baka hindi ko pa nababayaran ng buo eh tumirik na to. Ang dahilan talaga kaya ako nagtyagang magkakotse eh para may magamit akong pang sundo sa asawa ko galing sa trabaho nya at para narin matutong magmaneho dahil ako ang ginagawa nyang driver sa pagba-bonding, pagsha-shopping sa mall, pagba-bar, basta lahat ng lakad nya ako ang instant driver nya.
Maliban nalang sa isang bagay. Pag kikitain o pupuntahan nya ang sobrang importante taong sa buhay nya ay sya lang mag-isa ang nagmamaneho.
So, balik tayo sa mga barkada nya. Actually lahat silang magkakaibigan ay sobrang mayayaman at lumaking may gintong kutsara sa bibig.
Kaya ang ginawa ko para makabili ng kotse ay nagdodoble kayod ako at nagtatrabaho sa kompanya ni tito.
Hep! hindi po mataas ang posisyon ko dun ha. Taga-xerox nga lang ako dun kahit gusto ni tito na sa mataas-taas na posisyon ako ilagay.
Gusto ko kasi magsimula sa baba dahil ayoko isipin ng mga tao na porket kapamilya ako ng may-ari eh maganda na agad ang posisyon na ibibigay sakin.
Pagkatapos ko dun rumaraket naman ako bilang bouncer/waiter sa restaurant ni Axel.
Yes bouncer. Pero nagkakamali kayo ng inisip na malaki ang katawan ko. May abs lang po ako pero hindi ako barako.
Marunong din kasi ako sa martial arts at judo. Natutunan ko lang din jan sa kanto-kanto nung bata pa ako. Si Axel nga pala ay isa sa apat na tokmol kong kaibigan.
Habang binababa ko ang mga pinamili ko kanina ay napansin kong wala pa ang kotse ng asawa ko sa garahe.
Tatlo kasi ang kotse nya at ni-isa sa mga yun hindi pa ako nakakasakay dahil ayaw na ayaw nya na mahawakan ko ang mga bagay na sa kanya. Kaya pag pinagdadrive ko sya, kotse ko lagi ang ginagamit.
Tamang-tama hindi pa sya dumadating. Ibig sabihin matutuloy ko ang planong ipagluto sya.
Kaya mabilis ang kilos na pumunta ako ng kusina para magluto na agad. Kahit hindi pa ako nakakapagbihis ay umarangkada na ako.
Baka kasi dumating sya bigla lalo na't medyo late na. Mage-eleven na rin kasi ng gabi.
Pagkatapos ng mga isang oras ay natapos narin ako. May beef steak pa kasi akong niluto dahil kumakain din naman sya nun.
Inayos ko na ang lamesa at sinerve ko na ang mga niluto ko.
Sinugurado ko talagang napunasan ko ng maayos ang lamesa dahil ayaw na ayaw ni Bri-Bri ang madumi kaya pinagmasdan ko muna ang buong bahay at nilinis.
Marami na naman kasing nakakalat na mga gamit kung saan-saan samantalang bago ako umalis para rumaket ay nililinis ko muna ang buong bahay at sinisiguradoong malinis ito bago magising ang asawa ko.
Buong bahay so kasali na dun ang paglilinis ko ng CR, pagdidilig ng mga halaman, paglalampaso, paglilinis ng kotse nya at pagluluto dahil wala naman kaming katulong dahil ayaw din naman ni Bri-Bri dahil aanhin naman daw ang katulong eh nandito naman daw ako para gawin ang lahat ng yun.
Para na rin daw magkasilbi ako dito sa bahay. Tama naman sya.
Nandito naman ako para pag silbihan sya kaya hindi na namin kailangan ng kasambahay. Bago ako umaalis ng bahay, sinisigurado ko munang maayos na lahat nalinis ko na at naipagluto ko na sya.
Para kakain nalang sya pagkagising nya.
Nung masiguradong ayus at malinis na ang lahat ay umupo muna saglit.
Feeling ko talaga titiklop na mga talukap ko sa sobrang antok at pagod.
"Malapit na kaya sya? Malapit na magtwelve wala parin sya."
"Ayus ka lang kaya asawa ko?"
"Sana naman ligtas ka lang."
Pagkausap ko sa sarili ko.
Malala na to.
Napapadalas na ata pag kausap ko sa sarili ko ah. Baka matuluyan ako neto tsk. tsk. sayang kacutan ko kung nagkataon.