CHASE'S POV
GRABE nahihilo na talaga ako hindi ko na nararamdaman sarili kong ulo kakahanap ng parsley. Isa kasi yun sa ingredients sa lulutuin ko mamayang gabi.
Ipagluluto ko kasi ang asawa ko ng paborito nyang Italian pasta. Actually marami pa syang paborito kaso ang hihirap ng mga pangalan halatang mamahalin at mga spokening dollar lang mga nakaka-afford tulad nalang ng Fortress Stilt Fisherman Indulgence- isa yan sa 5 paborito nyang mga dish na feeling ko mahal pa sa buhay ko ang halaga.
Eh mukha naman mangingisda lang ang nagluto nyan. May fisherman kasi na nakalagay hehe. Tapos meron pang Schloss Berg, Troisgros, at Robuchon au Dome oh diba mga pangalan palang tunog salapi na.
At dahil Italian pasta lang afford ko sa mga pa paborito nya kaya yun nalang ang pinili kong lutuin. Cute lang po ako pero pag dating sa salapi acute po ako jan.
Anyways, balik tayo sa ulo ko na hindi ko na maramdaman... Hala! baka mamaya pugot ulo na ako habang naglalakad dito naku naman pano na ang cute na cute kong mukha baka hindi na ako magustuhan ni Bri-Bri ko nito hehe Siguro nagtataka kayo kung sino si Bri-Bri ko noh? sya po yung misis ko sobrang haba kasi ng pangalan nya kaya Bri-Bri nalang sweet ko noh? Well, ganun talaga pag cute.
Kagagaling ko lang sa trabaho at dumeritso na ako dito sa grocery mall. Feeling ko tuloy bangag na bangag ako habang namimili rito pero oks lang para kay misis naman to kaya ayus na ayus lang! basta lahat ng tungkol sa kanya nawawala agad pagod ko. Hindi naman masyadong halata na patay na patay ako sa misis ko noh hehe.
Habang nagtitingin-tingin ako sa mga ingredients na bibilhin para sa lulutuin ko, biglang nag-ring ang phone ko na nangangahulugang may tumatawag.
Malamang nagring nga diba?
Kaya sinagot ko muna at si Jordan lang pala. Ano na naman kayang dama nung lamok na yun?
"Hello Keso! ano na? nag-asawa ka lang nagkalimutan na tayo ah"
Nailayo ko ang phone ko dahil sa lakas ng boses nya.
Isa si Jordan aka "lamok" sa mga kaibigan/bestfriend/kapatid ko actually 5 kami at puro sila lahat lalake well, wala namang kaso yun sakin dahil bukod sa magkakaibigan at tunay na kapatid na ang turingan namin sa isa't-isa simula pa noong bata pa kami eh dahil din isa akong intersex, kaya siguro lalo kaming nagclick ng mga tukmol na yon hahaha.
So back to the intersex thing.. Alam nyo nman cguro yung kondisyon kong ito dahil sa panahon natin ngayon marami ng tao ang nakakaalam sa ganitong kondisyon at—
[Kesong puti!]
Tingnan mo nga tong bastos na itlog na to nagpapaliwanag pa ako sa mga readers eh! tukmol talaga.
[Wala ka talagang pakialam samin. Kinasal ka lang kinalimutan mo na kami! huhu parang dati lang sabay sabay pa tayong tumatae sa iisang inodoro tapos ngayon ni isang tawag hind—]
"Ano ba lamok! bibig mo anong iisang inodoro? ang baboy mo talaga kahit kelan! tyaka Chase ang pangalan ko hindi Keso!Cheese naman yung tinutukoy mo eh ulopong ka talaga"
[Eh ako nga lamok tawag mo ang layo-layo sa pangalan kong matinik na pinag-aagawan ng maraming chicks]
Protesta nya sa kabilang linya na kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong nagtataas baba ngayon ang mga kilay nya dahil ano pa nga ba? edi nagyayabang na naman.
Nakalimutan ko rin palang sabihin na bukod sa mga tukmol silang apat eh sobra pa sa sobra ang pagiging babaero nila.
Dun lang yata kami hindi nagkakasundo dahil ako cute na mapagmahal na asawa [Na binubogbog?]
[Epal ka brain? wala ka sigurong kabonding noh?Shhh ka nga lang jan di ka naman cute.]
Anyways guys, kaya lamok ang tawag ko sa kanya eh dahil tinatanong pa ba yun? Syempre matik na mukha syang lamok.
Hehe biro lang, may hitsura naman yung mga ulupong na yun kahit papaano kaya nga lapitin ng mga sisiw eh.
[Hello Keso! natulala ka na naman jan! binugbog ka na naman siguro ng sadista/tigreng asawa mo noh? Keso naman! kelan ka ba matatauhan sa kahibangang mong yan?]
"Hoy hindi ako binubogbog ng asawa ko noh! tyaka wag mo nga syang pagsasalitaan ng ganyan at mas lalong hindi ito kahibangan lang dahil mahal na maha--"
[Keso naman! Alam namin kung gaano mo kamahal yung Tigreng yun! eh ang tanong mahal ka ba? tinuturing ka rin ba nyang asawa? ni tingnan ka nga hindi nya magawa eh! tsk. kung anong kinaganda ng mukha nung asawa mo eh yun din ang kinasama ng ugali! tyaka huwag mo ngang sabihing hindi ka binubogbog nun. Dahil sinong niloloko mo?alam na alam namin na sinasaktan ka nya physically and emotionally!]
Hindi ako nakasagot sa mga sinabi ni nya.
Totoo naman din kasi talaga lahat ng yun kaya feeling ko maiiyak na naman ako pero pinipigilan ko lang.
Truth really hurts ika nga nila.
[Keso bunso ka namin, nagaaalala lang kami sayo. Nasasaktan din kami sa tuwing nakikita namin kung paano ka tratuhin ng walang puso mong asawa]
Walang lumalabas sa bibig ko kahit gustuhin ko mang magsalita.
Yan ang gusto ko sa kanila.
Dahil kahit gaano sila katarantado ay nandyan parin sila lagi para sakin.
Ganun siguro talaga kapag kasabay mong lumaki. Magkakarugtong na mga bituka nyo kaya sakit ng isa ay sakit ng lima samin.
Mahabang katahimikan ang namayani samin nang biglang nagsalita sya sa kabilang linya.
[Magkita-kita nalang tayo sa bahay ni Alexander sa susunod na linggo. Dahil alam kong wala ka ng balak magsalita dyan. Mag-iingat ka lagi bunso nandito pa kaming totoong nagmamahal sayo]
Pagkatapos nun ay binaba nya na agad ang tawag.
KASALUKUYAN na akong nagmamaneho pauwi ng bahay namin at hindi paren maalis sa isip ko yung sinabi ni lamok kanina.
"Tokmol na lamok na yon! ang sakit nya magsalita ha!"
Pagkausap ko sa sarili.
Mababaliw na yata ako nito. Nagsasalita na ako mag-isa.
Di bale na nga, wala namang tao.
"Eh mahal ka ba? Tinuturing ka rin bang asawa? ni tingnan ka nga hindi nya magawa!"
Pang-gagaya ko sa boses ni lamok kanina.
Ulupong talaga. Sana ol harsh.
Pinaalala pa na wala akong halaga at kahit kelan wala akong pag-asang mahalin ng asawa ko.
Hayyy buhay... sya nga pala hindi pa pala ako nakakapagpakilala ng maayos sa inyo noh?
Ang dami ko ng pinagsasasabi kanina tapos wala pa pala akong introduction. Hahaha ganun siguro talaga pag cute.
So heto na nga.
*Ehem* *ehem*.
Ako nga pala si Chase Crixus Valdez. Oh diba hanep ng pangalan ko noh? pang mayaman pa!
But dont be deceived by that luxurious name dahil dukha may-ari nyan haha. Buti pa nga pangalan mayaman eh.
I'm 24 years old. And I'm happily married. Yes. Happily married naman talaga ako. Sya lang tong hindi. Tyaka galing ko magspokening dollar noh? huh! marunong namn kasi talaga akong mag-english ng kahit konti dahil pag nag-uusap kami ni Bri-Bri eh english sya ng english. Nanunugo ilong ko sa kanya sa totoo lang.
Yun nga, english sya ng english kaya natuto narin siguro ako ng konti. And as you all know, I'm already married to my very beautiful, sexy, and intelligent wife.
Saka ko na ikukukwento kung paano kami naging mag-asawa at ako na rin ang magpapakilala sa kanya sa susunod. Dahil for sure, wala syang oras magpakilala sa inyo sa kadahilanang lagi syang busy.
I wanted to be a lawyer pero nung nalaman ko kung magkano tuition fee sa Law School napagisip-isip kong...
GOD IS GOOD. KUNG HINDI KAYA NG BUDGET HUWAG NANG IPILIT.
Kaya yun, nag Business Magement nalang ako kahit wala naman akong ima-manage na business. Oh diba? parang tanga lang?
Yun kasi ang sabi ni Tito Felix na kunin ko eh kaya sinunod ko nalang. Alam nyo na.. basta cute masunurin yan!
Uncle ko sya sa father side. Actually gusto nya sana na sya na ang gagastos sa pag-aaral ko sa Law School pero hindi ako pumayag. Ayoko kasi ng umaasa sa pera ng iba dahil lumaki ako sa hirap. Tyaka hindi lang naman pang gastos ang dahilan kung bakit ayaw ko muna mag-aral sa Law School.
Yun ay dahil din kay Sabrina.
Ayoko kasing lumayo sa kanya dahil nasa Canada ang Law School na pangarap naming pasukan nung apat na itlog.
Yes tama po kayo ng pagkakabasa, kami pong lima ang gusto at pangarap lahat na maging abogado na magkakasama.
Kaya nga lang hindi ako tumuloy.
Kaya ang ending, Business Management lahat ang kinuha namin.
Sa part nila, wala naman silang magiging problema sa kinuha naming Masters Degree dahil mayayaman naman silang apat ako lang talaga naligaw ng landas na mahirap pa sa daga.
Tyaka sa nagtatanong kung saan ang parents ko? at bakit ako lang ang mahirap saming magkakaibigan?
Well, una sa lahat, may parents pa naman ako their names are Alfonso and Stefanie Valdez.
My dad is a lawyer and a businessman. Businesswoman naman si mama so in other word mayaman sila.
Yes sila lang ang mayaman.
Hindi ako.
Dahil pera nila yun hindi sa akin.
Bakit ako lang ang mahirap saming lahat? ganito kasi yun.. bata pa lang ako busy na sa trabaho sila mama at papa kaya si tito ang nag-aalaga sakin noon kaya sa murang edad natuto na akong tumayo sa sarili kong mga paa. Ayoko kasi i-asa kay tito Felix ang lahat.
Sa parents ko naman, mukhang okay naman sila na palaboy laboy at kung saan-saan na ako naghahanap ng trabaho at pagraraketan. Mukha ngang nakalimutan na nila na may anak pa sila eh.
Kaya yun, malayo ang loob ko sa mga magulang ko. Pero kaylanman hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa kanila. Basta malaman ko lang healthy sila eh ayus na ayus na yun sa akin.
Tyaka kaya mas close kami ni Tito Felix dahil sya ang tumutulong sakin bukod sa mga kaibigan ko sa tuwing hindi ko na talaga kaya. Yung tipong wala na akong makain sa isang linggo.
Lagi syang nandyan nakaalalay sa akin incase lang na kailanganin ko talaga sya dahil alam nyang hindi ako tatanggap ng kahit ano na hindi ko pinaghirapan.