"Mahal na mahal kita asawa ko at kahit anong mangyare, hinding-hindi kita susukuan hanggang sa matutunan mo rin akong mahalin"
Sabi ko sa asawa ko na walang ganang nakatingin sa akin na para bang isa akong walang kakwenta-kwentang bagay na hindi deserving na matapunan manlang ng paningin nya.
"Oh come on stupid! dream on! that will never gonna happen! Nakakadiri yang mga pinagsasabi mo and how many times did I tell you to stop calling me with that weird endearment of yours to me?!kinikilabutan ako! I will never love you even if you're the last person in this world I'll rather die than to be with a hampaslupa, stupid, nakakadiri and dyke like you!
Sabay bato nya ng baso ng wine na nasa harap nya.
Nasa sala kasi kami ng bahay at prente syang nakaupo doon habang nakadikwatro habang ako nakatayo sa harapan nya at nakatungo.
Nasapo ko ang balikat ko na tinamaan ng basong ibinato nya. Nasasaktan ba ako? Syempre OO. Sa pagkakatanda ko tao parin naman ako at hindi bato.
Buti na nga lang at sa balikat ko tumama. May nakikita na rin akong dugo na unti-unting lumalabas dahil sa sugat dulot ng basong ibinato ng asawa ko.
Pero nasanay na siguro ako. Infact naging manhid na ako sa mga masasakit na salita at bagay na binabato nya sa akin.
Sa araw-araw ba naman na sinisaktan nya ako. As always,okay lang sakin. Kaya kong magtiis. Ganun siguro talaga pag nagmamahal ka bukod sa nagiging manhid ka na. Nagiging tanga ka pa.
Nagising ako sa masamang alaalang yun when I heard a voice at my back.
"Dadaaaaa!!!"
Wait who's that? I can feel that someone is coming over my direction and constantly shouting the word "dada". Luminga-linga ako at isang bata ang bigla nalang sumabit at niyakap ang binti ko.
"Dada!! *sniffed* dada you're here!" Pinagmasdan ko ang batang umiiyak sa binti ko.
Wow ang cute cute nya! at sobrang ganda din! lalo na yung mga mata nyang sobrang asul.
Pero bakit parang may naalala ako sa mukha ng cute na cute batang to? mukhang din syang may lahi at sigurado akong lalaki itong napakagandang dalaga.
Pero ano daw? dada? tyaka bakit sya umiiyak? kawawa naman...
Baka nawawala sya at hinahanap nya ang parents nya.
Tsk. They're such a careless parents. They shouldn't have let their child go in this kind of place! paano kung mawala ito ng tuluyan at masasamang tao ang makakita? Hindi sila nagiingat!
I'll go talk to them later. But first. I'll handle this crying child first.
I really love children kaya hindi ko sya matiis at kinarga sya at niyakap.
She's sobbing now. Mas lumala pa ang iyak nya nung kinarga at niyakap ko sya.
"Hey little girl, what's wrong? why are you crying? Malambing kong tanong dito.
"Dada *sobbed* you're finally here *sobbed* I miss you dada." Pansin ko lang, Why is she keep calling me dada?
"Ahm baby.. I'm sorry but I'm not your father" Lalo syang umiyak at parang naging galit ang ekspresyon nya nang marinig nya yun kaya hindi ko mapigilang magpanic.
"No!! You're our dada! You're our dada! You're our da--
"Okay, okay I'm your dada na don't be mad na" I said while tapping her back to make her calm. And thankfully she did.
Tokwa nakakatakot pala ang batang to kapag nagagalit. At ang masama pa dyan ay may kilalang kilala ako na ganyan ang hitsura kapag nagagalit.
Ilang minuto na pero hindi parin sya tumitigil. Aishh! anong gagawin ko? buti nalang talaga at sobrang ganda at sobrang cute ng bata to kundi naitapon ko na to. Joke.
Kaya no choice ako kundi gamitin ang ang pang-uto ko sa mga bata.
Sana lang gumana...
"Ahmm baby girl, do you want chicken? masarap yun.. and it's also my favorite" Bigla naman syang tumigil at tiningnan ako.
"Really? you'll give me chicken?" She asked with her eyes shining. Kumikintab iyon sa tuwa at excitement.
"Yeheyyy! That's also our favorite! come dada come! let's go to my brother" She said while motioning me to go the certain direction.
"Wait. You have a brother?" May kapatid pa sya?
"Yes. And we're twins dada. Amazing isn't it?" Seryoso ba sya? ibig sabihin may isa pang kamukha nya?
"Yeah it's indeed amazing" Nasabi ko nalang dahil mauubusan ako ng English sa batang to. Mukha pa namang hindi ito marunong magtagalog.
Nakayakap lang sya ng mahigpit sakin at akmang aalis na kami para puntahan ang sinasabi nyang kambal nang may biglang nagsalita sa likod.
"Scarlet? What are you doing up there? Mommy is looking for us already. Come down" Tinig iyon ng isang bata na masasabi kong isa ding englesero base sa accent nito na katulad na katulad dito sa batang karga-karga ko.
Hindi kaya ito na yung kambal na sinasabi nya?
Nakatalikod kami sa kanya kaya hindi namin makita ang mukha ng isat-isa.
"Chasen? Look! I found our dada!"
"Dada turn around my twin is here already hurry"
Sabi nya pa habang tinatapik tapik pa ang balikat ko ng munti nyang kamay.
Ginawa ko naman ang sinabi nya dahil napakademanding din talaga ng batang to.
Ngunit pag lingon ko ay isang bata ang maluha-luhang nakatingin sa akin ang nabungaran ko.
Bahagya pa akong napasinghap ng makita ito dahil nakikita ko ang sarili ko sa batang maputi na sobrang cute at sobrang gwapo. Hindi rin nakalampas sakin ang asul na asul nitong mata na katulad na katulad dito sa batang karga ko.
"Dada!!!" Mabilis din itong kumapit at nagpakarga sakin.
Grabe ba't ba sila panay "dada" sakin eh hindi naman ako ang ama nila at sigurado din akong wala pa akong anak.
Tokwa na yan. Tyaka paano mangyayari yun eh 1000000x sure ako na virgin pa si junjun ko.
"Dada!! *sobbed* I miss you so much" Umiiyak narin nitong saad.
Habang pinapatahan sya ay naalala kong hindi ko pa alam ang buong pangalan ng mga batang to.
Habang pinagmamasdan silang dalawa ay masasabi kong may pagka masungit at sophisticated ang batang babae na sa tingin ko ay malambing lang sya sa mga taong gusto nya.
Samantalang sobrang gaan at liwanag naman ng awra at mukhang malambing sa lahat ng tao itong batang lalaki.
"Stop crying na baby boy... do you also want to eat chicken?" Nagliwanag din ang asul na asul na mata nito sa tuwa at automatikong tumahan sa pag-iyak.
Pero bakit ganun? sobrang gaan ng pakiramdam ko sa dalawang batang yakap ko ngayon at kahit nung una ko silang makita kani-kanina lang ay parang napunan ang parte ng pagkatao ko na nangungulila.
"Yes dada! Yes! I also want one!" At talagang pareho pa kami ng paborito ha? nakakatuwa naman..
"Okay, I'll buy that for you two. But first, let me know your names first okay" Mabuti narin yung alam ko ang mga pangalan nila para madali ko silang maibabalik sa totoong magulang nila.
But for now, sasakyan ko nalang muna ang pagtawag nilang "dada" sakin.
"Ok dada!" Sabay nilang saad.
"Dada can we introduce ourselves at the same time" Nakangiti nilang tanong sakin.
Aww they're so cute. Ang sarap nilang iuwi.
Mamaya-maya pa ay nagpakilala na sila ng masigla at sabay.
"Hello dada! I'm Scarlet Chasey Chloe Harmonie Jones-Valdez" - The little girl said.
"Hello dada! I'm Chasen Charles Carter Jones-Valdez" - The little boy said.
Napasinghap at automatic na lumaki ang mga mata ko sa narinig.
Jones-Valdez?
Bakit sa lahat ng apelyido nila ay katulad pa sa akin at kay ano..
Pero teka kailangan kong makasiguro...baka naman kasi nagkataon lang talaga na ganun ang apelyido nila.
"A-hm kids c-can I k-know your mommy's n-name? Kinakabahan kong tanong pero bigla lang silang humagikgik ng tawa.
"Hehe you're so funny dada. How come you don't know our mommy's name?
But anyways dada our mom's name is Sabrina Louise Hermione Jones-Valdez"
Anak. Ka. Ng. Tokwang. Malupet.
Paano nangyare yun?
Imposibleng anak ko ang mga batang to sa babaeng sadistang yun na diring diri at galit na galit sakin.