CHASE'S POV KINAKABAHAN ako at pakiramdam ko may mangyayareng hindi maganda ngayong araw. Kasalukuyan akong bumabyahe papunta sa lokasyong binigay sa akin ni Stefanie. Hanggang ngayon ay nawewierdohan parin talaga ako sa tuwing binibigkas ko ang pangalan nya. Kapangalan nya kasi ang mama ko. Hindi ko maintindihan itong nararamdaman ko talaga nagsimula ito nang tinawagan ako ni Stefanie para makipagkita dahil may importante daw syang sasabihin sakin. Ilang araw narin akong may napapansin sa kanya. Para bang.. may alam syang isang bagay pero pinipigilan lang nyang sabihin sakin. Isang linggo na rin kasi ang nakakalipas simula nung nagkasakit si Bri-Bri at ngayon ay magaling na magaling na sya. Nakakapasok na rin sya sa opisina nya. At sa tuwing bibisita si Stefanie sa bahay kapansin

