CHASE'S POV ANONG ginagawa nila dito? Teka, sila ba yung sinasabi ni ate Grace kanina?. "Magandang umaga po sa inyo mama, papa." Kahit naguguluhan ay lumapit ako sa kanila at nagmano. Magulang ko parin naman sila kaya kailangan ko pa rin silang galangin kahit hindi malapit ang loob ko sa kanilang dalawa. "Bless you my dear" "Bless you my son" Sabay nilang sambit. Lumapit na rin ako kay tito para magmano din. "Magandang umaga din po sayo tito" Bahagya pa akong yumuko dahil prente silang nakaupo sa mahabang sofa nitong opisina. "Bless you anak. Sit down first" Tugon nya habang inaabot ang kape sa gilid. Habang ako naman ay nakayukong umupo sa tinuro nyang sofa na katapat lamang nila. Magkakatabi sila ng mga magulang ko. Bakit may kakaiba yata? Bakit sila nandito?

