CHASE'S POV TINGIN doon tingin dito. Yan ang kanina ko pang ginagawa dahil may tao akong pinagtataguan. Alam nyo na kung sino yun. May pasok ako ngayon sa trabaho dahil Monday na ngayon. Ibig sabihin dalawang araw na ang nakakalipas simula nung may nangyareng halikan samin ni Bri-Bri. At dalawang araw ko na rin sya pinagtataguan at iniiwasan. Tokwa kasi talaga! nakakahiya yung ginawa ko! Panigurado pag nakita ako nun ay dapat nakadown na ako ng pangbayad sa ponenarya para sa full make-up ko bilang bangkay. Paano nalang kaya kung walang tumawag sa mga oras na yun? Waahhhh!! Jusko wala pa po akong karanasan patnubayan nyo po ako. Sa nagtatanong kung anong buong nangyare nung isang araw.. ganito po yun.. FLASHBACK Nagtataka man sa nabasa ay binaba ko nalang ang aking cellphone dahil

