HINDI mailalarawan sa magandang mukha ni Nhikira kung gaano siya kasaya ng araw na iyon.
Hindi nawalan ng kabuluhan ang mga planong ginawa niya upang mapapayag ang kaniyang mahal na nanny!
At ngayon pa lang halos hindi na siya makapaghintay na makapunta sa mansion ng mga Rhys!
Sobra na siyang nangungulila sa Bradley na iyon! Gustong-gusto na niya itong makita!
Ngunit kailangan niya munang mapag-aralan kung paano ba ang mga gawaing bahay.
Hindi siya papayag na bigla siyang mapaalis kapag napansin nilang 'di naman pala siya marunong sa gawaing bahay.
Nakangiti pa siya nang bigla niyang marinig ang mga yabag. Hanggang sa sumungaw roon ang kaniyang mahal na nanny.
Binabalewala na lang niya ang pag-aalalang gumuguhit sa mukha nito. Naiintindihan naman niya ito, ngunit hindi naman na siya bata para mag-alala ito ng labis.
Alam ko naman na ang ginagawa ko. Hindi rin naman ako mapapahamak sa bahay ng mga Rhys at pinaimbestigahan ko na ang pamilya ng mga ito.
Wala naman silang record na nananakit o nang-aapi ng mga kasambahay. Lalo na't ang tanging nandoon lamang ay ang binata at ang mahal nitong lola na mayroong sakit.
"Magandang umaga, nanny!"
Buong tamis pa akong nakangiti habang nakataas ang dalawang kamay ko. Lumapit naman ito sa akin.
Mahigpit ko itong niyakap at humilig sa kaniyang dibdib. Hindi ko naman maikakaila na parang isang tunay na ina ang turing ko sa kaniya.
"Labis akong nag-aalala sa plano mong ito, Princess Nhikira. Hindi mo alam na sobrang bigat sa dibdib ko ang naging desisyon ko upang payagan ka.."
Tiningala ko ito. Nanunubig ang mga mata nito. Ngunit isang masuyong ngiti ang isinukli ko sa kaniya. Hinawakan ko rin ang dalawang kamay nito.
"H'wag na po kayong mag-alala, nanny. Sinabi ko naman sainyo na kapag hindi ko kinaya, kaagad din naman akong uuwi. Pangako rin na lagi akong tatawag sainyo."
Ngunit hindi nagbago ang expression ng mukha nito. Pigil na pigil pa nga nitong 'wag mapaluha.
Ito naman ang humawak sa mga kamay ko.
"Hindi na ba talaga magbabago ang desisyon mo, anak? Paano kung pahirapan ka doon? Paano kung hindi mo kayanin ang gawaing bahay na ipinag-uutos sa iyo? Wala ka pa naman alam sa mga gawaing bahay?"
Napasinghot ito.
Itinago ko naman ang paglunok ko sa mga tanong nito. Naisip ko na rin naman ang bagay na iyon, ngunit mas nanaig sa akin ang makapasok sa mansion ng mga Rhys.
"Kaya nga po bago ako umalis dito, tuturuan nila ako sa gawaing bahay. Mabilis naman akong matuto, nanny. Kakayanin ko po ang gawaing bahay. At h'wag na kayong mag-alala sa mga kapwa kasambahay na makakasama ko roon. Tulad nga ng nalaman ko, mababait ang lahat ng nakatira sa Rhys Mansion."
Pasimple nitong pinalis ang luhang nangilid sa mga mata nito.
"Pasensya ka na, anak. Hindi ko maiwasang mag-alala ng labis. Sobra akong nasasaktan na gagawin mo ang mga bagay na ito nang dahil lang sa lalaking iyon? Ni 'di mo pa nga siya kilala man lang. Paano kung may itinatago iyong kasamaang pag-uugali? Paano kung gawan ka niya ng masama? Paano kita mapoprotektahan?"
Nahirapan akong lumunok ng makitang napaiyak na ito.
Bigla ko itong niyakap.
"Tiyak na malalagot ako sa mga magulang mo, oras na malaman nila ang kalukuhan mong ito. Tiyak na isusumpa nila ako, oras na mapahamak ka sa mansion ng mga Rhys."
Hinawakan ko ang mukha nito.
"H'wag na kayong mag-alala sa akin, nanny. Kaya ko ho ang sarili ko. Oras na makita kong may masamang budhi pala ang lalaking labis kong hinahangaan, kaagad akong aalis. Pangako 'yan."
Hindi ito kumibo.
"Ngayon lang, nanny. Pangako, babalik din ako kaagad. Habilinan niyo na lang ho ang mga tauhan na manatiling tikom ang kanilang bibig upang hindi makarating sa mga magulang ko ang lahat ng ito."
Nang titigan ako nito.
"Ano ba talagang binabalak mo, anak? Ikaw ba talaga ang magpapakita ng pagkagusto sa lalaking iyon? Paano kung samantalahin niya ang bagay na iyon? At paglaruan ka lang sa huli? O kaya naman, paano kung 'di ka rin niya magustuhan? Mas lalo ka lang masasaktan?" sunod-sunod na wika nito sa akin.
Lihim akong napalunok.
"Nanny, tanging hangad ko lang ay ang makita siya araw-araw. Wala naman akong balak na magpakita ng motibo sa lalaking iyon." Marahan akong ngumiti. "Umaasa lang naman ako na baka magustuhan niya rin ako? Pero kung sakaling hindi nga niya ako magustuhan, okay lang naman sa akin e. Uuwi na lang ako. Atleast, may ginawa ako kaysa sa wala hindi ba?"
Isang 'di makapaniwalang tingin ang ibinato nito sa akin.
"Ang maging isang kasambahay ganoon ba? Sa tingin mo ba, magugustuhan ka niya kung isang kasambahay ka lamang? Mas lalong hindi ka niya pagtutuunan ng pansin, anak?"
Bigla akong nawalan ng kibo. 'Di ko naisip ang bagay na iyon?
"Hindi ikaw ang dapat gumagawa ng mga bagay na ito, Nhikira. Ang lalaki ang dapat na gumagawa ng paraan upang mapansin mo. Hindi ikaw? Sila ang dapat na lumalapit sa iyo? Kung isang kasambahay ka lamang, napaka-imposibleng magustuhan ka niya lalo na't.." bigla itong napatingin sa katawan ko.
Lihim naman akong nalungkot. Bigla rin akong napayuko. Nang hawakan nito ang magkabilaang pisngi ko.
"Hindi sa nilalait ko ang pangangatawang mayroon ka, Princess. Dahil kahit ano pang maging itsura mo, mananatili ang pagmamahal ko para sa iyo bilang nanny mo. Ngunit ang lalaking nagugustuhan mo?" Bahagya itong umiling at bumitaw ng buntong hininga.
"N-natatakot akong samantalahin ka niya oras na mapansin niyang nagugustuhan mo siya, anak. T-talagang madudurog ang puso ko kapag nangyari iyon sa iyo," garalgal na wika nito sa akin.
"Para kang isang mamahaling Diamante na pinakaiingat-ingatan ng mga kapatid at mga magulang mo. Kung maiwawala mo lang ang kalinisan mo ng dahil sa lalaking iyon, maraming taong masasaktan at magagalit. Baka kung ano pang magawa ng pamilya mo sa lalaking iyon."
Biglang bumundol ang dibdib ko. Nanayo rin ang balahibo sa braso ko. Ngunit sa kabila ng mga sinabi nito, nanatili pa rin ang kagustuhan kong mamasukan sa bahay ng mga Rhys.
Hindi ko nga akalaing mababaliw ako ng ganito sa lalaking iyon? Na para bang labis ang pagkasabik na makita ko itong muli?
Ngayon ko napagtanto kung bakit ganoon na lang kabaliw si Sofie sa kapatid ko. Ganito pala ang pakiramdam na nagmamahal? Parang nakakawala sa sarili?
"Hindi ko matanggap-tanggap na ang Prinsesa ng mga Priscela ay hahangaring maging isang kasambahay ng dahil lang sa isang lalaki? Sobrang bigat sa dibdib, anak? Hindi mo alam ang ninanais mong ito?" Napaluha na naman ito.
Ramdam kong hinang-hina ang katawan nito. Para bang nararamdaman nitong hindi pa rin magbabago ang desisyon ko.
Nang titigan ako nito.
"Hindi mo kailangang magpakahirap para lang sa lalaking--"
Napahinto ito ng marahan akong umiling.
"Naiintindihan kita, nanny. Pero ngayon lang ako nakaramdam ng ganito? Mag-iingat naman ho ako? At pangako na iingatan ko ang sarili ko. H'wag na kayong mag-alala. Matalino ang alaga niyo. Hindi ako maiisahan ng lalaking iyon?" Nginitian ko ito.
Ngunit ganoon pa rin ang expression ng mukha nito.
"Pangako na 'agad din akong uuwi kapag napansin kong wala akong maaasahan sa lalaking iyon. Gusto ko lang naman malaman kung may paghanga rin ba siyang mararamdaman para sa akin?" Humaba ang nguso ko.
"Kahit naman mataba ako, maganda naman ako e! Maganda at makinis ang kutis ko? Kahit naman kasambahay lang ako, kung magugustuhan niya ako, naniniwala naman akong kaya niya akong seryusuhin. At hindi naman siya lugi sa akin at ipagtatapat ko naman kung sino talaga ako? Kaya hindi na siya mahihirapang ipaglaban ako sa mga taong mapanghusga?"
Para pa akong tanga na napangiti at kinilig!
Napailing-iling naman ang kaniyang nanny. Isang yakap naman ang ibinigay ko rito.
"Mag-iingat naman ako, nanny. Pangako ko ho 'yan sa iyo. At kapag hindi ko kinaya ang trabahong i-aatang nila sa akin, uuwi na lang ho ako? Atleast sinubukan kong magpakita sa lalaking iyon? Siguro naman bago ako sumuko, malalaman ko kung may pagtingin din ba siya sa akin o wala?"
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan nito. Sandali rin itong natulala.
Hanggang sa pinakatitigan ako nito.
"Sana nga anak, hindi mo pagsisihan ang lahat nang ito?"
Nanunubig na naman ang mga mata nito. Isang masuyong ngiti ang pinakawalan ko.
Gusto kong ipakita ritong wala itong dapat ipangamba. Hindi naman ako basta-basta bibigay sa lalaking iyon?
Hindi ko pa nga alam kung magugustuhan din ba ako nito?
Si nanny, kasi, masyadong advance mag-isip. Ngunit naiintindihan ko naman ito lalo na't anak yata ako ng pinakamayaman sa buong mundo.
Tiyak kong oras na malaman ito ng mga magulang ko, ilalayo nila ito sa akin. At iyon ang bagay na hindi ko rin kakayanin.
Kaya buong higpit kong kinausap ang mga kasambahay dito at ilang tauhan na manatiling tikom ang kanilang bibig. Na 'di maaaring malaman ng mga mahal ko sa buhay kung ano talagang ginagawa ko rito sa United States.