HINDI maiwasang makaramdam ng matinding pag-aalala ang matandang si Isabel para sa kaniyang alagang si Nhikira.
Halos isang Linggo na itong matamlay at halos hindi kumakain ng maayos. Ayaw din nitong makipag-usap.
Madalas niya itong nakikitang nakatulala at kung minsan pa nga naiiyak na lang ito bigla.
Hindi niya lubos akalaing ganoon kalaki ang pagkagusto nito sa isang stranghero na iyon? Na magagawa nitong isiping mamasukan bilang isang kasambahay para lang sa lalaking iyon?
Akala pa naman ni Isabel, paghanga lamang ang nararamdaman ng kaniyang alagang si Nhikira sa lalaking iyon?
Ngunit sa nakikita niya sa nangyayari ngayon kay Nhikira, alam niyang malalim pa sa salitang paghanga ang nararamdaman nito sa lalaking stranghero na iyon?!
Hindi niya lubos akalaing ganito kalalim kung humanga ang kaniyang alaga para sa isang lalaki?
Hindi rin siya makapaniwala na ganoon kabilis magmahal ang kaniyang alagang si Nhikira kahit isang beses lang nitong nakita ang lalaking iyon sa Museum?
At talagang labis siyang nagulat at nagawa pa talaga nitong pasubaybayan ang lalaki at sundan-sundan?
Wala man lang siyang kaalam-alam na ang lalaking iyon pala ang dahilan kung bakit nagpapadalas silang lumabas-lumabas!
Labis siyang nag-aalala para sa alaga.
Hindi nito nalalaman ang gusto nitong mangyari.
Ngayon lang ito humanga? At iyon ang labis niyang ipinag-aalala para sa kaniyang alagang si Nhikira.
Wala pa itong alam pagdating sa pag-big! Para itong batang walang muwang kung pagmamasdan! At iyon ang kinakatakot niya at baka gamitin iyon ng lalaking iyon sa kaniyang alaga!
Baka pagsamantalahan lamang nito ang kainosentehan ni Nhikira at baka gamitin pa nito ang kahinaan ng dalaga oras na malaman nitong may pagtingin ito sa kaniya!
BIGLANG natulala ang matandang si Isabel habang humihinga ng mabibigat. Sobrang bigat sa dibdib ang makitang nagkakaganito ang kaniyang minamahal na alaga.
Labis siyang nag-aalala para sa dalaga.
Nang dahil lang sa stranghero na iyon?
Talaga bang siya ang magpapakita ng motibo sa lalaking iyon?
Hindi ba nito naisip na posible siyang masaktan balang araw? Hindi ba niya naisip na posibleng hindi rin siya nito seryusuhin kung sakali man?
Hindi naman sa nilalait niya ang kaniyang alaga, ngunit masyado itong mataba! Paano kung pagtawanan lamang siya ng lalaking iyon?
O kaya naman, paglaruan lang siya oras na malaman nitong gusto siya ng dalaga? At pagkatapos, itapon na lang siya na parang basura?
Hindi naman niya maiwasang mag-isip ng negatibo lalo na't 'di nila kilala ang lalaking iyon?!
Lalo na't napakalinis na babae ni Nhikira! 'Di niya matatanggap kung mapaglalaruan lang ito nang kahit na sino!
Siguradong malalagot siya sa mag-asawang Dimitri oras na mapabayaan niya si Nhikira.
MARIING napapikit ang matanda.
Isa siyang Priscela, ang pinakamayaman at pinakasikat sa buong mundo!
Paano nito naisip ang mga ganoong bagay para lamang sa lalaking labis nitong nagugustuhan?
Handa nitong ibaba ang sarili para lamang sa lalaking hindi man lang nito kakilala? 'Di ba nito naisip na baka masama ang ugali ng lalaking iyon at saktan lamang siya?
At hindi ba rin nito naisip na posibleng gamitin lamang siya kapag nalaman nitong isa siyang Priscela?
Oo nga!
Paano nito magagawang maging kasambahay gayoong tanyag ang angkan nila?
H'wag sabihing itatago nito ang totoong pagkatao para lang sa kahangaran nitong mamasukan bilang isang kasambahay?!
NAPAILING-ILING ang matandang si Isabel. Ang lakas-lakas ng kabog ng kaniyang dibdib.
Nasasaktan siyang magagawa nitong magpakahirap para lang sa lalaking walang katiyakan kung magugustuhan din ba siya nito?
Ni hindi nito kilala kung ano talaga ang ugali ng lalaking nagugustuhan nito?
Paano pala kung babaerong tao ito?
Paano kung mapaglaruan siya nito?
Paano niya ito mapoprotektahan?
Lalo na't nag-aalala siya ng labis at may pagka-isip bata pa naman ito? Paano kung madala ito ng matatamis na pananalita ng lalaking iyon?
Kahit naman mataba ang kaniyang alagang si Nhikira, hindi maikakaila kung gaano ito kagandang dalaga?
Ang mga mata nitong hindi maitatago kung gaano ito kainosente?
"Aling Isabel.."
Biglang napalingon ang matanda.
"Ano iyon?"
Napakunot siya ng makitang balisa ang mukha ng isang kawaksi. Nasa mga mata nito ang pag-aalala ng labis.
"Si Senorita Nhikira ho, inaapoy ng lagnat!"
"Ano?"
Nagmamadali siyang napatayo at halos takbuhin ang ikalawang palapag kung saan ang kuwarto ng dalaga.
Pabigla pa niyang binuksan ang pinto. At nagmamadaling nilapitan ang alaga.
"Princess Nhikira.."
Napalunok ang matanda at ang taas nga ng lagnat ng dalaga. Lalong domoble ang pag-aalala niya para sa kaniyang alaga.
Hanggang sa utusan niya ang isang kawaksi na tawagan ang family doctor ng mga Priscela.
"Anak.." bigkas niya sa kaniyang alaga.
Nanginginig ito. Marahil sa lakas ng lagnat nito.
Hindi naman siya mapakali hangga't hindi pa dumarating ang Doctor.
"N-nanny.."
Maagap na hinawakan ng matanda ang kamay ng dalaga.
"Nandito ako.."
"G-gusto kong makita si Bradley. G-gusto ko siyang makita."
Gulat na napaawang ang labi ni Isabel sa ibinulong ng kaniyang alagang si Nhikira.
Hindi siya makapaniwalang napatitig sa magandang mukha nito. Nakapikit ito habang may munting ungol na umaalpas sa maliit nitong bibig.
Nahirapang lumunok ang matanda.
Hindi na tama ang nararamdaman ng alaga niya sa lalaking iyon!
"Kailangan mo munang magpagaling. Saka na natin 'yan pag-usapan."
Hindi na ito kumibo.
Malalim namang napaisip ang matanda. 'Di niya maiwasang mangamba at tiyak na kukulitin na naman siya ng kaniyang alaga.
Ngunit alam niyang iisa lang ang maisasagot niya rito. 'Di pa rin siya papayag sa gusto nitong mangyari!
Kailanman, hinding-hindi ito magiging isang kasambahay!
Isa itong Priscela!
Mas mabuti sigurong kausapin niya ito ng masinsinan. Ipaunawa rito ang lahat-lahat na kailangan nitong maunawaan.
Baka sakaling mamulat ito sa kahibangan nito. Maling-mali na ito ang lalapit sa lalaking iyon! Ang magpapakita ng motibo!
Parang gustong maiyak ng matanda. Hindi niya matanggap na mararanasan ito ng kaniyang alaga.
Unang pagkakataong nagkagusto sa isang lalaki, sa ganitong paraan pa nito nanaising makasama ang lalaking iyon?
Wala na bang ibang paraan?
Iyong hindi ang kaniyang alaga ang lalapit sa lalaking iyon?
Hindi deserve ng isang Unica hija ng mga Priscela, na siya mismo ang lalapit sa isang lalaki at magpapakita ng motibo!
Siya ang dapat na nilalapitan!
Ang dapat na pinag-aagawan!
Hindi niya kailangang maging kasambahay para lang sa lalaking iyon!
Ang dami pa namang lalaki sa mundo!
BIGLANG napahilamos ang matanda sa sariling mukha. Sumasakit ang kaniyang ulo sa pag-aalala para sa kaniyang alaga.
Hindi naman niya masabi-sabi sa mag-asawang Dimitri at tiyak na kamumuhian siya ng kaniyang minamahal na si Nhikira.
Anak na ang turing niya sa dalaga. At mahal na mahal niya ito. Tanging hangad niya ay ang maging masaya ito.
Ngunit hindi sa ganitong paraan!
Napalingon ang matanda ng makarinig ng mga yabag. Napatayo siya ng makita si Dr. Loyo.
Kaagad nitong tiningnan si Nhikira.
Ilang minuto lang ng bumaling ito sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito.
"Malakas ang lagnat niya. Kailangan niyang makainom ng gamot sa tamang oras. Pilitin niyo rin ho siyang pakainin bago painumin ng gamot."
Kaagad namang tumango ang matandang si Isabel.
"May problema ba si Senorita Nhikira, Aling Isabel?" tanong nito.
Lihim namang napalunok ang matanda. 'Di naman niya maaaring sabihin dito ang dahilan.
Marahan siyang umiling kay Dr. Loyo.
Isang buntong hininga naman ang pinakawalan nito habang nakatitig sa alaga niyang mahimbing ng nakatulog.
"Mukhang labis siyang nag-iisip at nag-aalala?" wika nito na siyang ikinalunok ni Isabel.
Hanggang sa bumaling ito sa kaniya.
"Tawagan niyo ako kaagad kapag hindi siya 'agad gumaling. Basta, iyong gamot mapainom niyo sa kaniya. Kailangan niya ring makapagpahinga ng maayos. Mukhang hindi nakakatulog ng maayos si Senorita Nhikira."
Sandaling natulala ang matanda pagkaalis ni Dr. Loyo.
Dahan-dahan siyang umupo sa gilid ng kama ni Nhikira. Marahan niyang hinaplos ang makinis nitong mukha.
Sa isiping labis nang naaapektuhan ang kalusugan ng dalaga nang dahil sa lalaking iyon, hindi niya maiwasang mangamba ng labis.
"Sana maintindihan mo 'ko, anak kung hindi kita mapagbibigyan sa kahilingan mo. Isipin mo sana nang mabuti ang ninanais mong mangyari. Isa kang Priscela, 'di tamang ikaw ang lalapit sa lalaking iyon?"
Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ng matanda. Ngayon lang siya nagkaroon ng problema sa kaniyang alaga.
Hindi niya akalaing sa ganitong paraan iibig ang kaniyang mahal na Princess Nhikira.
Sa isang stranghero pa?
At talagang sa may lahi pa?
Bigla siyang napahilot sa sariling sintido.