NAKAHILERA kaming lahat habang hinihintay ang pagdating ni Bradley. Kanina pa kumakalabog ang dibdib ko sa sobrang kaba at excite! Hanggang sa lihim kong nahigit ang paghinga ng maramdaman ang mga yabag na papalapit. Sabay-sabay kaming yumuko, at bumati sa binata. "Magandang umaga, Sir Bradley!" Walang salitang lumabas mula sa kanya. Hindi ko naman makita ang reaksyon nito at nanatili pa rin kaming nakayuko. Lihim kong nakagat ang ibabang labi ko ng malapit na ito sa gawi ko. Ngunit hindi ko inaasahang bigla itong hihinto sa mismong tapat ko! Parang sinuntok sa kabog ang dibdib ko sa sobrang kaba! Pakiramdam ko, bigla rin akong pinagpapawisan at nanginig ang mga kamay ko. Sunod-sunod akong napalunok ng maramdamang lumingon ito sa akin. Mas lalo ko tuloy naiyuko ang ulo ko. Ku

