NAPALUNOK ako habang nasa harapan ng salamin. Kitang-kita ang kinis ng balat ko sa suot ko ngayon. Naiilang din ako at abot hanggang tuhod lang ang haba ng uniporme na suot-suot ko. Talagang ganap ng kawaksi ang itsura ko ngayon. May puting kuwelyo, puti rin ang manggas at may kulay puti sa harapan na ipinantakip at itinatali sa likuran. Pure black naman ang pangkalahatan. Isa siyang dress na pinatungan ng kulay puti sa harapan. Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. Naiilang ako at kitang-kita ang malaking binti ko. Sa taba ko ba naman? Ngunit hindi maikakailang kapansin-pansin ang kinis ng balat ko? Tiyak na pagtitinginan ako ng kapwa ko kasambahay lalo na ang tatlong kontrabida na walang ginawa kun'di ang manglait sa pangangatawang mayroon ako. Kumibot ang la

